Vice, nakipaglaro!

Vice Ganda

Namudmod ng papremyo si Vice Ganda sa naglalaro ng basketball na kabataan sa aming lugar sa Sampaloc nitong nakaraang araw.

Eh bukod sa manlalarong nabigyan ng pera, sinagot din ni Vice ng graduation expenses ng isang estudyante. Binili rin niya ang ibinebenta sa online ng isang nanay.

Makikita sa video na uploaded ng GMA Network na nag-shoot din si Vice ng bola at nakipag-picture sa mga nasalubong sa aming lugar.

Sen. Bong, humihingi ng dasal

Humihingi ng dasal si Senator Bong Revilla Jr. sa operasyong gagawin sa kanya kaugnay ng napunit na bahagi ng kanyang paa dahil sa disgrasyang nangyari sa kanya sa shooting ng ginagawang movie na Alyas Pogi.

Napunit ang bahagi ng likuran ng paa niya kaya naman, nahirapan siyang lumakad.

Eh puwede naman daw siyang makadalo sa sessions niya sa Senado dahil sa gamit niya sa tuwing naglalakad.

Basta kasi sa paggawa ng action scenes, todo-bigay si Sen. Bong at walang dobol-dobol kaya kapag nadidisgrasya eh siya ang nagsa-suffer!

Get well soon, Senator Bong!

Show comments