Jayda, kinumpirma ang M.U. nila ni Darren!

Jayda Avanzado

Kinumpirma ni Jayda Avanzado na nagkaroon sila noon ng mutual understanding ni Darren Espanto.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang Wednesaday, inalala ni Tito Boy ang isang pahayag noon ni Darren na si Jayda ang isa sa mga pinakamagagaling na singer sa henerasyon ngayon.

“I was very flattered by that comment. It was nice of Darren,” nakangiting sabi ni Jayda.

Dito na tinanong kung nagkaroon sila ng relasyon.

“Totoo po ‘yon na there was something romantic between me and him at one point nu’ng mga bata po kami. It’s something that I actually look fondly back on. It was mutual understanding po.

“It was just mutual and we were vocal sa aming dalawa, we were vocal of that. We were special to each other at one point.

“Depende po kasi sa boundaries that you set, pero siguro po with how young we were, I think it was just something na we enjoyed in the moment po,” paliwanag ng anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Show comments