Andrea, dalawa ang bagong food business

May bagong achievement pala ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Nagbukas siya ng kanyang bagong negosyo.

Hindi lang isa kundi dalawa ang bago niyang food business na Kusina ni Andeng at Noodle House.

Hindi naman ito ang unang beses na pinasok niya ang food business dahil nagsimula siya noong 2020 sa kanyang food delivery business na Family Favorites kung saan binebenta niya ang sariling version ng cheese pimiento, polvoron, bread pudding at iba pa.

Para nga maging matagumpay ang kanyang bagong negosyo ay pina-bless niya ito sa pari at pati rin sila ng kanyang staff ay binasbasan nito.

Naroon din ang kanyang mga kapamilya at kaibigan bilang pagsuporta at pagbati sa kanya.

Pati nga ang Makiling actress na si Rabiya Mateo ay sinabing bibisita sila ng boyfriend na si Jeric Gonzales dahil malapit lang daw ito sa kanila.

Hands-on din ang sexy actress dahil siya rin ang naghugas ng mga ginamit sa opening ng kanyang business. Bongga.

Show comments