^

Pang Movies

Vice, inamin ang pamimisikal kay Anne

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, inamin ang pamimisikal kay Anne
Vice Ganda at Anne Curtis

Sinagot ni Vice Ganda ang isang netizen na pinagbintangan siyang wala siyang respeto kay Anne Curtis.

Nabasa ng Unkabogable Star ang tweet ng isang netizen sa X (dating Twitter) na sinasabihan siyang huwag pisakalin si Anne at irespeto naman daw niya ang kaibigan.

“Ok lang yung mag bwisitan at asaran pero wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae nya. I have watched one time sa Tawag ng Tanghalan biniro ka ni Jhong may nilagay sa buhok mo tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo sya. Respect mo parin sya,” payo ng netizen kay Vice.

Hindi ito pinalampas ng noontime show host at sinabihan din ang netizen na sila ni Anne ang magde-decide kung paano sila magharutan.

“Wag nyo po kaming alalahanin. Kami mo po ang may relasyon kaya kami po ng magdedecide kung paano kami maghaharutan. Iba iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan,” sagot ni Vice.

Ipinagtanggol din ng ibang netizens si Vice at sey nila, matagal nang nagbabardagulan talaga ang mga It’s Showtime hosts at enjoy ang viewers sa kanilang harutan.

Alden at Jericho, nag-uunahan daw kay Kathryn

Kumpirmadong nanliligaw na nga raw sina Alden Richards at Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo.

Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog with Mama Loi.

“According to my source, sa kampo ni Kathryn, nanliligaw na nga itong si Alden kay Kathryn. At makikita naman daw ‘yan sa kanilang body language,” sey ni Ogie.

Tsika pa niya, gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden.

“Kasi daw, lalo na kay mommy Min (nanay ni Kathryn), si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financially stable, responsable,” aniya.

“Kaya daw natutuwa at naaaliw kay Alden ‘yung pamilya ni Kathryn. Dahil daw ‘yung gusto nila para sa isang lalaki, parang pino-posses ni Alden,” dagdag pa ni Mama Ogs.

Nang mapag-usapan naman si Jericho, sinabi ni Ogie na ayon daw sa source niya ay nanliligaw din daw ang aktor kay Kathryn.

“Pero kung botohan at botohan daw sa pamilya ni Kathryn, parang mas boto sila kay Alden,” aniya.

Ang malaking tanong ay kung sino ang mas gusto ni Kathryn at kung ready na ba siyang magmahal ulit matapos ang break-up nila ni Daniel Padilla.

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with