Spencer Reyes, proud sa pagiging bus driver sa London

Spencer Reyes

Hindi ikinahihiya ng dating Streetboys member and heartthrob na si Spencer Reyes ang pagiging bus driver sa London and in fact, he’s proud of it.

Via Zoom ay nakausap ng ilang entertainment press si Spencer sa mediacon ng upcoming big dance concert na The Sign: 90s Supershow kung saan ay siya sa mga performers.

“Actually, ‘andito ako sa trabaho ko ngayon,” ani Spencer. “I’m on my break. Nasa trabaho ako. And nag-aano ako rito, nagda-drive ako in one of the biggest bus companies all over UK (United Kingdom).”

Patuloy niya, “na-appreciate ko yun. Baka kasi ‘yung iba, nag-iisip na sasabihin ‘o, bakit bus driver lang si Spencer?’ For me, na-experience ko as a bus driver dito, napakahirap. Iba d’yan sa Pilipinas, mas mahirap d’yan sa Pilipinas.”

Tsika pa niya, hindi raw madaling maging bus driver sa London at napakahirap makapasok.

“Dito, it’s different. Dito, mahirap pumasok. Bibihira nga lang ang mga Asyanong nagda-drive ng bus dito. Kaya talagang once na makapasok ka dito, okay ka na,” he said.

Kasama ni Spencer na naninirahan sa London ang asawang si Shiela at ang kanilang 3 anak.

Nakatakdang umuwi si Spencer ng Pilipinas para lang sa The Sign: 90s Supershow na gaganapin on April 19, 2024 (Friday), 6:00 pm, at Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Ayon kay Spencer ay hindi siya nagdalawang-isip nang i-offer sa kanya ang dance concert lalo nang sabihin sa kanya na makakasama niya rito ang mga dati niyang ka-grupo na sina Maynard Marcellano, Danilo Barrios, Christo Cruz, Nicko Manalo, Joey Andres and Michael Sesmundo.

“The feeling is really priceless kasi this is the first time again I will step on stage na kasama ko ka-grupo ko,” he said.

Janus, may atake sa mga bagong lipat?!

Binanatan ni Janus del Prado ang mga artistang bumatikos sa kapwa-celebrities na lumipat ng istasyon pero ngayon ay nagsilipat na rin.

Sa kanyang latest Instagram post, tinawag ng aktor na hipokrito ang mga artistang ito na hindi na niya pinangalanan pa.

“‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” ang pahayag ni Janus.

“Kala ko ba walang lipatan ever?” saad pa ng aktor.

Hirit pa niya, “at the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo.”

Bagama’t walang binabanggit na pangalan si Janus, marami ang nagpapalagay na maaaring ang It’s Showtime hosts ang pinariringgan ng aktor.

Although hindi naman masasabing totally ay lumipat talaga ang mga hosts ng It’s Showtime sa GMA-7 since co-producer pa rin naman ang ABS-CBN sa programa pero sabi nga ni Janus, lumipat pa rin sila ng istasyon.

Matatandaang ipinagtanggol noon ni Janus ang kaibigang si Bea Alonzo nang batikusin ito na walang loyalty dahil sa ginawang paglipat sa GMA-7.

Hinihinalang ang bagong post ni Janus ay karugtong pa rin ng pagtatanggol niya kay Bea.

Show comments