Silent war ng dalawang aktres, lalaki ang dahilan

Lalaki ang sinasabing dahilan ng silent war ng dalawang aktres lalo na kapag sabay silang naggi-guest sa isang show.

Eh si aktor ni Aktres 1 at si Aktres 2 ang current girlfriend niya na nakasama sa series.

Kaya nga raw ‘pag may guesting silang magkasabay, hindi raw sila puwede sa isang dressing room. Hindi rin puwedeng magsama sa isang frame at marami pang bawal na dapat sundin ng staff.

Naku, pinag-aawayan ng dalawa ang aktor na kapiraso lang daw ang “laman, “ huh!

Daniel, kinontra ang HLG 2

Ikinakasa na raw ang sequel ng Hello, Love, Goodbye na unang pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na blockbuster sa takilya.

Same director pa rin daw at Star Cinema ang producer.

Lalo ngang umigting ang paggawa ng movie nang dumalo si Alden sa post birthday celeb ni Kath with matching yakap-yakap, huh!

Lumabas din ang balitang ang sequel daw ng movie ang umano’y pinigilan ni Daniel Padilla na gawin ni Kath nang may relasyon pa sila.

Eh ngayong hiwalay na sila, may tsansa nang magawa na nina Kath at Alden ang sequel, huh!

Show comments