^

Pang Movies

AlDub fans, umalma sa KathDen!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
AlDub fans, umalma sa KathDen!
Maine Mendoza

Sabi na nga ba at magre-react ang hardcore AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa balitang nagiging too close for comfort na sina Alden at Kathryn Bernardo.

Sinabayan ng AlDub fans ang pagte-trending ng #KathDen ng #AlDub at #AlDubKathDen at naglabas sila ng mga ebidensya na si Maine ang tunay na karelasyon ni Alden.

Kaya lang, old photos nina Alden at Maine ang nakita naming inilabas ng AlDub fans, sabi tuloy ng KathDen fans, wala ba silang bagong larawan ng mga ito? Tanong pa ng KathDen fans, bakit ang mga bagong photos ni Maine, si Arjo Atayde ang kasama at ang pamilya nito?

Ang natatandaan namin, paulit-ulit nang dinenay at nilinaw nina Alden at Maine na hindi sila mag-asawa, hindi sila ikinasal at lalong wala silang mga anak. Paano ba ito, dapat na sigurong magkaanak sina Maine at Arjo para magising na ang ilang hardcore AlDub fans na walang Alden at Maine. Dapat na ring magka-girlfriend si Alden for the same reason.

Anyway, kahit may mga kumokontra at hindi naniniwala na nagiging close sina Alden at Kathryn, patuloy na dumarami ang KathDen shippers. Dumarami rin ang kinikilig at nagwi-wish pa nga na sila na ang maging endgame.

Patunay na naglalayag ngayon ang KathDen ay ang 9.1M views sa TikTok ng video ng pagdalo ni Alden sa post birthday party nito. Ayaw ring paawat sa Twitter na may 2.8M views. Paano pa kaya kapag gumawa uli sila ng movie?

Juancho at Alden, nagkaayos na

Finally, natapos na ang isyu ng fans kina Alden Richards as Juancho Triviño dahil nagkita sila sa isang birthday party na si Juancho ang host at bisita naman si Alden. Pinost ni Juancho ang photo nila at sa caption, nabanggit nitong “Nagkita kami ni @aldenrichards02 it was nice seeing hi after a long time, we go way back and through some moments as well.”

Hindi lang maiwasan na maungkat ang isyu sa da­lawang aktor noong 2018. Kainitan noon ng AlDub at naalala ng fans na pinagtawanan ni Juancho ang poster ni Alden at nag-dirty finger pa.

Ang tsika, close sina Juancho at Maine that time at sabi naman ng iba, nanligaw si Juancho kay Maine. Ang hindi nagustuhan ng fans ni Alden ay ang pagdi-dirty finger niya sa poster nito at naalala na­ming, inaway siya ng fans ni Alden. Mabait lang daw si Alden at hindi na pinatulan si Juancho.

Ngayong okay na sila, puwede na siguro silang magkasama sa project sa GMA. Papayag naman siguro si Juancho kahit ang role niya ay kontrabida ni Alden.

Gabi ng Lagim, isasapelikula!

Ipinakilala na ang tatlong directors na magdidirek sa horror film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na KMJS Gabi ng Lagim: The Movie. Ang napili to direct the movie ay sina Jerrold Tarog, Dodo Dayao, at King Mark Baco. Kasama nilang ipinakilala ang writer ng movie na si Anton Santamaria.

Ang KMJS Gabi ng Lagim: The Movie ay isang spin-off ng patok na patok na segment na Gabi ng Lagim ng top-rating at multi-awarded show na Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica Soho. Napapanood ang segment na ito tuwing Araw ng mga Patay at talagang inaabangan.

Dahil sa three directors, parang ang lalabas ay three different stories ang bubuo ng pelikula. Ang susunod na aabangan ay ang announcement kung sino ang mapipili na makasama sa cast ng horror movie.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with