^

Pang Movies

Aktor, in love sa gym instructor!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Gym-goer ang isang aktor na puwedeng bida at puwede ring kontrabida.

Regular ang aktor sa isang sikat na gym na kadalasan ay pinupuntahan din ng ilang celebrities.

Eh dahil alam ng staff ng gym ang totoong sexual preference ng aktor, normal na sa kanilang makita ito na laging may kasamang guwapo at bortang gym instructor.

May favorite gym instructor ang aktor. Eh dahil gamay na siya ng aktor, bihira siyang mapunta sa ibang clients.

Eh ‘yun pala, mas malalim na ang sa customer-client relasyon ng dalawa, huh! Paborito ring boylet ng aktor ang gym instructor na kadalasan ay nakakasabay niyang umuwi after his duty!

Wala namang nakakasilip na may malisya sa kanila except ‘yung staff ng gym na alam ang kalan­dian ng aktor!

Marian, tinutukan ang pagbalik sa primetime!

Walang sablay, walang mintis ang pagbabalik sa primetime ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa series niyang My Guardian Alien.

Tinututukan talaga ito ng manonood kaya naman humamig ito ng 11.1 percent.

Patunay lang na na-miss ng viewers ng telebisyon si Yan nang matagal, huh!

Kaya naman sa susunod na araw, mas matitindi pang eksena ang mapapanood sa My Guardian Alien!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with