^

Pang Movies

Nanay ni Sarah, napuri sa pagkain kasama ang mga kasambahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nanay ni Sarah, napuri sa pagkain kasama ang mga kasambahay
Esther Lahbati, Zion, Kai at mga kasambahay

Magaganda ang comments sa post ng mom ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati tungkol sa dinner nila ng mga apo na sina Zion at Kai kasama ang kanilang driver at kasambahay. Pinost ni Esther ang larawan nila ng kanyang mga apo na kumain sa isang simpleng restaurant.

Sabi ni Esther, “Dinner with our kasambahay and our driver,”at may agad nag-comment na gusto niya ang ginawa nito na kasamang kumain ng kanyang mga apo ang kasambahay at driver nila. Maganda raw na ma-experience ng mga bata na makasalamuha ang iba’t ibang klase ng tao at hindi lang puro pasosyalan.

May nag-comment pa na maganda ang puso niya dahil bihira lang ang mga amo na isinasabay kumain ang mga kasambahay. Nakikita raw ng dalawang bata ang ginawa niya at tatatak sa isip nila at baka gayahin.

May nagbiro naman na parang shading ang ginawa niya na i-post na kasama nilang kumain ang kanilang kasambay. Bago pa niya masagot ang comment, may nagpayo sa kanyang ‘wag pansinin ang mga nega comments.

Mai-interview pala si Sarah sa advance press screening ng collab drama series ng Viva Films at TV5 na Lumuhod Ka Sa Lupa at makakahingi tayo ng update sa buhay at career niya. Comeback TV series niya ito after a long time.

Xian, ‘di na bagay sa Showtime

Binalikan ni Xian Lim ang experience niya sa taping ng Love. Die. Repeat na pabiro niyang tinawag na “mga kabaliwan nila sa set.” Kasama sa pinost ni Xian ang behind the scenes photos nila ng cast.

Pinasalamatan din niya sina Noni Buencamino, Mike Tan, Victor Anastacio, Samantha Lopez, Shyr Valdes at director Jerry Sineneng.

Kasama rin sa pinasalamatan niya ang Kapuso viewers. “I love you all! To more characters that have moral lessons and make life more meaningful,” sabi niya.

Siguradong maraming interesado sa nabanggit ni Xian na pinag-usapan nila ni Ina Feleo, kasama kaya roon ang breakup nila ni Kim Chiu? May mga gusto tuloy makausap si Ina as if naman magsasalita ito at ikukuwento ang napag-usapan nila ni Xian.

Speaking of Kim, ayaw ng kanyang fans na mag-guest si Xian sa It’s Showtime ngayong nasa GMA 7 na ang noontime show na isa si Kim sa host. Baka raw sumikat pa ito at baka gamitin lang niya uli si Kim.

Nabanggit kasi ni Kim in an interview na open siya to work with Xian again at welcome raw ang ex na mag-guest sa IS. Kahit daw mag-production pa ito, ayos lang. Pero dahil sabi ng fans ni Kim, hindi feel ng IS hosts si Xian, baka hindi siya mag-guest sa show.

vuukle comment

ESTHER

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with