^

Pang Movies

Dating sexy star na si Katya Santos, halos P500k na ang nagastos sa IVF

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dating sexy star na si Katya Santos, halos P500k na ang nagastos sa IVF
Katya

Ikinuwento ng dating sexy star na si Katya Santos na inuuna pala nilang magka-baby ng kanyang non-showbiz fiancé na si Paolo Pilar sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization).

Sinimulan daw nila ito last year dahil ngayong 42 years old na siya ay mas priority nila ang magka-baby muna bago ang kanilang kasal.

Assurance lamang daw ang engagement ring niya dahil hindi madali ang kanilang pinagdadaanan ng partner niya sa IVF na anuman ang mangyari ay magpapakasal sila at bubuo ng bagong pamilya.

Gusto pa raw talaga niyang magka-baby dahil sampung taon na ang daughter niya. Kung mabubuo raw ang dalawa niyang egg ay magiging kambal ito. Pero pinagdarasal daw nilang kahit isa lamang ay mabuhay sa mga ito.

Hindi raw niya akalaing magkakaproblema siya sa pagbubuntis ulit pagkatapos niyang magpa-check up.

Doon daw niya napagtanto na dapat regular na nagpapa-check up ang kababaihan. Nalaman niyang meron pala siyang myoma at maraming underlying issues at pati na rin endometriosis.

Kaya bago raw nila ituloy ang procedure ay kailangan muna niyang maoperahan para sa myoma and endometriosis.

Meron na raw silang five harvests at umaasa raw siyang by July at tatapusin lamang niya ang isa niyang show ay i-implant na nila ito.

Sinabi ng aktres na hindi madaling proseso ang IVF at talaga raw emotionally at mentally draining ito.

At umaabot pa raw ng halos P500,000 ang nagagastos nila sa bawat harvest nila bukod pa sa every other day na checkup kung saan mino-monitor siya.

Grabe ganun na talaga palang mahal magkaanak.

vuukle comment

KATYA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with