Joshua, ayaw nang bumalik sa Amerika

Joshua at Mark

Wow lagi palang magka-bonding sina Batangas Vice Governor Mark Leviste and Joshua Aquino.

Kahapon ay sinundo si Joshua ng pulitiko at nag-bonding sila. Galing ng Batangas ang pulitiko kaya magkasama sila kahapon dito sa Manila.

Nang tanungin ko si Joshua kung kailan siya babalik ng Amerika, mabilis itong sumagot na “hindi na.”

Nagpaiwan naman sa Amerika si Bimby para alagaan ang mommy niyang si Kris Aquino pero babalik daw sa US si VG Mark in time for Bimby’s birthday.

Hindi pa rin nakakapasok ng hospital si Kris ayon pa sa pulitikong karelasyon nito.

Show comments