^

Pang Movies

Award-winning actor na pamilyado, nagpapa-booking ‘pag nagigipit

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pasimple pa lang pa-booking ang isang award-winning actor na suplado ang image.

Akala nga ng mga bading, hindi siya puwedeng makasama sa gabing malamig! Eh kahit nagbibida siya, mas marami pang aktor na kasabayan niya ang mas magaling sa kanya sa pag-arte.

Nabuking ang pagiging game sa booking sa mga bading na hindi masyadong tumitili. Kaya naman kapag gusto niya ang bading at swak ang presyong gusto niya, agad-agad siyang nabu-book sa tagong probinsiya!

May asawa at anak na rin ang aktor. Pero kapag kailangan ng pera, nagpapahanap siya ng bading o girl na gusto siyang makasama!

Ate Vi, ang daming offer na posisyon sa gobyerno

Tinanggihan ni Vilma Santos-Recto na pamunuan ang Film Development Council of the Philippines bilang kapalit ng nag-resign na si Tirso Cruz III.

Gustuhin man ni Ate Vi na pamunuan ito, hindi naman nito kakayanin ang lahat ng responsibilidad bilang pinuno dahil ang personal niyang buhay ang gusto naman niyang i-enjoy. Hindi na niya magagawang maging aktibo pa sa movies at social media kung saan siya enjoy!

Sa totoo lang, may offer ding maging caretaker ng isang distrito sa Batangas. Eh dahil retired na siya sa pulitika, tinanggihan din niya ito.

Nabalita rin na ini-offer sa kanya ang Film Academy of the Philippines.

Enjoy, enjoy lang si Ate Vi at kung may magustuhan siyang script para sa movie, ‘yun ang gagawin niya!

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with