^

Pang Movies

Pelikula nina Dingdong at Charo, may-December affair?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Pelikula nina Dingdong at Charo, may-December affair?!
Charo Santos-Concio

Fresh from his record-breaking movie with wife Marian Rivera, ang Rewind produced ng Star Cinema and Agosto Dos Pictures (ni Dingdong Dantes), magsisimula na naman ang actor-host, producer at entrepreneur sa isang bagong movie, ang Love After Love opposite award-winning actress, host at dating President-CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos. Ito’y pamamahalaan ni Irene Villamor na siya ring sumulat ng pelikula.

Although hindi pa nagbibigay ng detalye ang dalawang lead stars ng movie maging si Direk Irene, marami ang nagsasabi na drama romance ang pelikula na may pagka-May-December affair pero ayaw nilang i-preempt ang genre ng movie na nakatakdang simulan sa huling linggo ng Abril.

Ang mag-asawang Dingdong at Marian ang siyang may tangan ngayon ng highest grossing Filipino film of all time dahil sa pelikulang Rewind na dinirek ni Mae Cruz-Alviar matapos nitong malagpasan ang 2019 movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye.

WILLIE, naudlot sa mga government station

After some speculations, babalik na umano sa telebisyon ang daily game show na Wowowin hosted and produced ni Willie Revillame.

May mga naglabasang balita na mapapanood umano ang daily game show ni Willie sa government TV station na PTV4 pero hindi ito natuloy. Sa halip ay nag-explore ang TV host-producer at businessman sa ibang option hanggang sa mapunta ito sa Cignal Entertainment at TV5 kung saan nabuo ang kanilang kasunduan.

Nakatakda umanong magsimula ang Wowowin ni Willie ngayong Abril.

Since siya naman ay may-ari ng titulong Wowowin ay kaya niya itong dalhin kahit saang TV station.

May balita ring iba-back-to-back umano ang Wowowin ni Willie sa Eat Bulaga ng TVJ sa TV5.

Malakas din ang ugong na ililipat umano sa GMA 7 ang It’s Showtime ng ABS-CBN na napapanood ngayon sa GTV, ang sister station ng GMA.

Ito marahil ang sinasabi ng star host ng It’s Showtime na si Vice Ganda na meron umano siyang natanggap na magandang balita.

Kesa nga naman bumuo ng sarili nilang noontime TV show ang GMA matapos itong mabakante ng Tahanang Pinakamasaya produced by TAPE, Inc. mas ok kung Showtime na ang ilalagay nila.

Kapag ito’y nangyari, tiyak na balik na naman ang matinding salpukan ng mga noontime show.

Over at GMA, malamang sa itapat kay Willie ang Family Feud ni Dingdong Dantes o mananatili ang programa ng actor-host-producer sa kasalukuyang slot niya.

Hanggang ngayon, Salve A., ay hindi pa rin natatapos ang rigodon ng mga TV show na na-shake up lamang nang umalis sina Tito, Vic & Joey sa dating Eat Bulaga ng TAPE, Inc.

In this case, marami pa ang puwedeng mangyaring pagbabago kaya abangers ang televiewers.

 

vuukle comment

CHARO SANTOS-CONCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with