Paolo, itinanggi ang ‘tampo’
Nag-turn 40 years old si Paolo Contis last March 15 at sinorpresa siya ng mga kasama niyang Kapuso stars sa mediacon ng Best Time Ever sa GMA Annex studio 6. “Wala po akong wish. Nais ko lang pong magpasalamat sa suporta ng GMA 7 sa akin. Again, I wanna thank GMA for always supporting me, for always supporting the show,” sey niya na nagsimula bilang child actor sa pelikula at sa TV show na Ang TV.
Itinanggi naman ng BBL Gang star na may tampo raw siya sa GMA Network. Pakana lang daw iyon ng mga nais gumawa ng “content.” “May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po ‘yun totoo. Pero pagbigyan na po natin ‘yung mga nagkakalat no’n. Content po nila ‘yon, para po sa kanila ‘yon.
“I’m very thankful to GMA. They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So walang dahilan para magtampo ako,” sey nito na binati rin ng kanyang “best friend” na si Yen Santos via social media.
Lianne, inupuan ang mga sakripisyo
Marunong na raw si Lianne Valentin na ibalanse ang kanyang trabaho at personal na buhay. Kailangan daw niyang matutunan ito dahil tumatayo siyang breadwinner ng kanilang pamilya.
At dahil sa pagsusumikap niya, nakapagpundar na siya ng sarili niyang sasakyan at nakabili na siya ng bagong bahay para sa pamilya niya.
“Minsan ‘pag nag-look back ako, sabi ko grabe na pala, ‘yung layo from when I was 10 years old ako sa ngayon. Kasi siyempre minsan ‘pag ikaw nakakaranas, hindi mo nakikita ‘yung growth mo, ‘di ba? Pero ‘pag talagang nag-take time ka to sit down and like recall everything, mapapa-Thank you, Lord, ka na lang talaga.”
Pagkatapos ng mga nagawa niyang roles bilang child actress, maging best friend ng bida sa teleserye hanggang sa mabigyan siya ng big break ng GMA, sulit daw ang lahat ng mga naging sakripisyo niya noon.
Former Nickelodeon child actor Drake Bell, nakaranas ng pang-aabuso
Ibinunyag ng former Hollywood child actor na si Drake Bell na naging biktima siya ng sexual assault noong teen years niya sa Nickelodeon.
Sa episode ng Investigation Discovery docuseries na Quiet on Set: The Dark Side of Kids TV, pinangalanan niya ang dialogue coach nila na si Brian Peck ang umabuso sa kanya noong 15 years old siya.
Inaresto si Peck noong 2003 at nag-plead “no contest” sa panghahalay sa teen actors. He was sentenced to 16 months behind bars.
Ni-recall ni Drake ang unang meeting niya with Peck nung magkatrabaho sila sa The Amanda Show. “Looking back, I didn’t think anything of anything that was happening. I should have been able to see, but as a kid, you have no clue,” sey ni Drake na pilit pa raw siyang nilayo ni Peck sa kanyang ama na may hinala na rito.
Ang ina raw niya ang gumawa ng paraan para mapaamin si Peck sa mga ginawa nito.
- Latest