^

Pang Movies

Aubrey at Troy, ‘di makalimutan si Kris

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Aubrey at Troy, �di makalimutan si Kris
Troy Montero at Aubrey Miles

Si Kris Aquino pala ang naging cupid kina Troy Montero at Aubrey Miles.

Nakwento ng mag-asawa sa programang Fast Talk with Boy Abunda na ang nanay nina Bimby at Joshua ang nagbigay ng number ni Aubrey kay Troy.

Guest pa raw noon si Troy sa morning show nina Kris at Boy Abunda at nang tanungin daw siya kung sino ang showbiz crush niya ay sinagot niyang ang pangalan ni Aubrey.

Agad-agad daw tinawagan ni Kris si Aubrey at on-air pa raw nang live. Tinanong nito si Aubrey kung pwede raw nitong ibigay ang number niya na pinayagan naman nito.

Pagkatapos ng show ay pinuntahan agad ng aktor si Aubrey na susunod naman sa guest appearance sa next show at dinahilan nitong magpapa-picture ito sa kanya. At doon na nga raw nagsimula ang kanilang love story.

Kaya siguradong hindi nila makakalimutan si Kris sa ginawa nito.

Beautederm, tuloy ang scholarship program para sa kabataan

Hindi puwedeng isnabin ang ginagawa ni Rhea Tan ng Beautederm. Ima­gine ang dami niyang scholars na pinapag-aral na galing sa mismo sa bulsa niya ang pera.

Talagang gusto niyang makita na gumanda ang buhay ng mga bata na matalino pero wala lang pera para ituloy ang pag-aaral.

‘Yung scholarship fund ni Rhea Tan ng Beautederm talagang hindi puwedeng hindi mo purihin dahil ang laki ng nagagawa para sa kabataan.

Kudos and congratulations for a very good job, Rhea Tan, ipinagmamalaki ka namin. Bongga.

vuukle comment

TROY MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with