^

Pang Movies

Karylle at Yael, sinimplehan ang renewal of vows

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Karylle at Yael, sinimplehan ang renewal of vows
Karylle, Yael at pamilya
STAR/File

It was on March 21, 2014 nang unang ikasal ang mag-asawang Karylle Padilla Tatlonghari at Yael Yuzon sa San Antonio de Padula in Silang, Cavite, 10 years after, muling nag-propose ang Sponge Cola member sa kanyang misis na ginanap nang live sa It’s Showtime. Kasunod na rin ang kanilang intimate renewal of wedding vows last Saturday, March 9, sa Church of Gesu ng Ateneo de Manila University kung saan parehong nag-aral ng kolehiyo ang dalawa.

It was an intimate wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Naroon ang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla kasama ang present partner nitong si Architect Conrad Onglao, Karylle’s half-sister (sa mother’s side) na si Zia Quizon with her Serbian husband na si Aleksa Rahul at iba pa.

Kim at Paulo, pinaaamin

Is there something special going on sa pagitan ng dalawang lead stars ng Linlang at ang upcoming Viu Original Adaption Series (in cooperation with ABS-CBN and Dreamscape Entertainment), ang 2018 hit Korean romantic-comedy series na What’s Wrong with Secretary Kim na sina Kim Chiu at Paulo Avelino?

Ito ang paniniwala ng iba na may nakikitang kakaibang spark sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars.

Dinumog ng respective fans ng dalawa ang bagong bukas na Quantum SkyView ng Gateway Mall 2 ng Araneta City in Quezon City kung saan ginanap ang star-studded press conference ng upcoming Philippine version ng What’s Wrong with Secretary Kim na pinamahalaan ni Chad Vidanes.

Kung ang dumalong entertainment media at vloggers ang tatanungin, nakikita ang kakaibang glow maging sa tinginan ng dalawa.

Although sinabi ni Kim na hindi umano niya pinag­hahalo ang trabaho at personal na bagay, malamang na muli niyang kainin ang kanyang sinabi kapag kumpirmado na ang kanilang relasyon na Pau.

Sa trabaho rin naman nagsimula ang unang pag-iibigan nila ng ex-PPB co housemate niyang si Gerald Anderson maging ang ex-boyfriend niyang si Xian Lim. Sa case nila ng kanyang co-actor na si Paulo, only time will tell kung kelan nila aaminin ni Paulo that there is something special going on sa kanilang pagitan just like in her past relationships.

Ellie nina Andi at Jake, binabantayan ang pagpasok sa showbiz

Twelve years old pa lamang ang panganay na anak ng Siargao-based actress at surfer na si Andi Eigenmann sa actor na si Jake Ejercito na si Ellie pero mas matangkad na ito sa kanyang ina.

Since nagmula sa family of showbiz royalty si Ellie, hindi kami magtataka kung papasukin din nito ang showbiz balang araw. Pero gusto pareho nina Andi at Jake na i-prioritize muna ng kanilang anak ang kanyang studies bago ito mag-showbiz.

Isa si Ellie sa nalungkot nang husto sa pagpanaw ng kanyang (maternal) grandmother, ang premyadong actress na si Jaclyn Jose na binigyang-pugay ng kanyang mga kasamahan sa industriya sa loob ng anim na araw na burol nito sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City na nagtapos nung nakaraang Sabado ng gabi, March 9.

vuukle comment

KARYLLE PADILLA

YAEL YUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with