Naka-off ang comment box sa four new posts ni Mariel Rodriguez sa Instagram. Kaya gustuhin mang mag-comment ng netizens, lalo na sa post niyang nilinaw na Vitamin C Drip at hindi Glutathione ang ibinigay sa kanya, walang makapag-comment.
Ang ginawa ng netizens, sa open comment box sila nagku-comment at ipinarating sa kanya ang kanilang disappointment. Kahit ilang araw na ang isyu, mainit pa rin ang ibang netizens at ang sasakit nilang magsalita.
Hindi maganda na pati ang pumanaw na ina nito ay isinama sa isyu at minura pa silang mag-ina at hindi raw pinalaki nang maayos ang wifey ni Senator Robin Padilla. May nag-comment pa na ‘yung apology ni Mariel sounded arrogant, kaya raw galit pa rin sa kanya ang netizens.
May nakiusap na nga na ‘wag naman pagsalitaan ng masyadong masakit si Mariel na parang napakasama na nito. Nakalimutan na raw ang magagandang ginawa niya dahil lang sa Vitamin C Drip issue. Kaya lang, ang mga dumepensa naman sa kanya ang napagbalingan ng mga galit na tao.
Samantala, sa latest interview kay Robin, nakiusap ito na “Tigilan niyo na ang political issue na ‘yan. Nakakaano... sa totoo lang. Ang dami natin dapat pag-usapan. Hindi ‘yan ganyan. Okay, thank you po.”
Hindi tinanggap ang sagot na ito ni Robin ng netizens dahil hindi naman daw political issue ang kinasangkutan ni Mariel.
Dasuri, iniyakan ang pagiging ‘tita’ ni Mavy
Ni-like ni Carla Abellana ang dancing reels post ni Dasuri Choi na may caption na “I deserve to be loved.” Suporta niya ito kay Dasuri sa natanggap na bashing sa pag-aakalang siya ang ipinalit ni Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara.
Iniyakan ni Dasuri ang pamba-bash ng fans ni Kyline na hindi rin naman nito kasalanan. Tinawag siyang homewrecker kahit hindi naman kasal ang mga ito at ang nakakatawa pa, tinawag siyang pango na idinaan na lang ni Dasuri sa pagpapatawa.
May sagot din siya sa nagsabing bumalik na lang siya sa Korea, sabi nito, “Hindi ako uuwi hanggang meron tayong shelter dito sa Pinas!” Ibig sabihin, manigas kayong mga hater dahil dito lang ako at hindi ako babalik sa Korea.
May tumawag pang “tita” kay Dasuri dahil older siya kay Mavy na tanong pala ng netizens, bakit hindi nito linawin na wala silang relasyon. Bakit daw hindi man lang magsalita si Mavy at hinahayaan itong ma-bash pati na rin si Kyline.
In fairness kay Dasuri, marami ang nagtatanggol sa kanya, hindi lang ang mga kasama niya sa Tahanang Pinakamasaya, pati fans nagre-react para sa kanya. Pinayuhan siyang ‘wag pansinin ang bashers at mag-concentrate sa kanyang showbiz career at isipin na lang na maraming nagmamahal sa kanya.
Jillian, hinihiritang mag-iba naman ng role
Aliw basahin ang comment ng viewers sa balitang up to June 2024 ang extension ng Abot-Kamay na Pangarap. May nag-comment na excited na sila na hindi matatapos ang Afternoon Prime na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Kasi-celebrate lang ni Jillian ng kanyang 20th birthday at ibig sabihin, one year pa ang airing ng series.
May naniniwala namang hangga’t mataas ang ratings ng series, mae-extend pa rin ito after June at kapag pinaabot pa ng September, two years umere ang AKNP. September 5, 2022 nagsimula ang airing ng series at hanggang ngayon airing pa rin at nakailang extension na nga.
May fans si Jillian na nagrereklamo, gusto nilang tapusin na ang AKNP dahil gusto nilang mapanood ang aktres sa ibang series at ibang role.