Maxine, tututukan muna ang pagbubuntis!

Maxine Medina at Timmy Llanac

Happy si Maxine Medina dahil pregnant na siya sa unang baby nila ng husband niyang si Timmy Llana.

Pinost ng former Miss Universe Philippines 2016 sa IG ang picture na hawak nila ni Timmy ang ultrasound photo ng kanilang baby. “So, this is how it feels to hold an ultrasound photo of our own little one, yieeee… We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of joy! Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood. OMG… weeee can’t wait! oh I just wanna share, it’s true that you’ll cry when you hear that first heartbeat yes it was sooo precious,” caption ni Maxine.

Sa pinost din na video ng ultrasound, makikita na healthy ang magiging baby nila.

Dahil buntis na, pahinga muna si Maxine sa paggawa ng teleserye. Gusto niyang mag-focus na maging first-time mom. Huling napanood si Maxine bilang kontrabida sa Magandang Dilag. 

Ex-Miss U president, magdedemanda

Magsasampa ng demanda ang former Miss Universe president Paula Shugart sa Miss Universe owner at transgender businesswoman na si Anne Jakrajutatip.

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Shugart na nanahimik na lang siya noong mag-step down siya as president noong November 2023. Ngayon ay ‘di na raw niya palalagpasin ang mga paninirang-puri na kinakalat ni Anne tungkol sa kanyang pamumuno sa Miss Universe.

Wala pang sagot ang kampo ni Anne sa mga akusasyon ni Paula sa kanya.

Elle, sa dagat nag-birthday

Kahit tapos na ang Valentine’s Day, love is in the air pa rin para sa Makiling stars na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Noong mag-celebrate ng kanyang 28th birthday si Elle noong Feb. 19, si Derrick lang ang kasama niya sa beach.

Feeling safe raw si Elle with the Sparkle hunk at pareho raw silang mahilig pumunta sa beach kapag may time na mag-relax. “I always get the urge to celebrate near the ocean. Sometimes I wonder, was I born a mermaid?” caption pa niya sa Instagram.

Pagbati naman ni Derrick sa kanyang girlfriend: “Celeb­rating the Aquarius baby’s birthday at the beach where she belongs @_ellevillanueva.”

Nagpasalamat si Elle sa lahat ng bumati sa kanyang birthday. Thankful din siya sa mga sumuporta sa Makiling kaya mataas ang ratings nito.

Show comments