Pasado na sa Senado ang Eddie Garcia Bill.
Isa na itong batas base sa botohan 22-0 - na isang panukalang magpapatupad ng mga patakaran para sa proteksyon ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon sa ikatlo at huling pagbasa kahapon Lunes, Pebrero 19.
Sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na ang Senate Bill No. 2505, o Eddie Garcia Law ay magpoprotekta at susuporta sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon mula sa hindi patas na pagtrato at hindi magandang kondisyon sa pagtatrabaho.
Kabilang sa agad nag-post tungkol dito ang dating chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Liza Dino.
“For all those who have fought long and hard to achieve fair working conditions in the film and entertainment industry, mabuhay po kayo!
“Worth it ang pagod at sakripisyo nating lahat para ipaglaban ang nararapat na batas para poteksyunan ang ating mga film workers.
“On this day, panalo ang mga manggagawa ng industriya ng Pelikulang Pilipino!”
Pero totoo bang, maapektuhan din nito ang ibang mga producer dahil baka matakot na silang gumawa ng mas maraming pelikula dahil sa nasabing batas?
Lalo na raw ‘yung maliliit na producer na maliit lang ang budget pero lumalaban para makabuo ng isang pelikula?
Sa pagiging batas nito, paano nga ba makatutulong ang Eddie Garcia Law para umangat ang pelikulang Pilipino?
Sa kasalukuyan ay masyadong mapili ang mga manonood.
Matapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay wala pa talagang masasabing box office hit.
Ang Sassy Girl lang diumano ni Toni Gonzaga ang malaki-laki ang kinita sa mga ipinalabas na pelikula umpisa noong January.
Jaya, pinakita ang nawasak na kotse sa aksidente
Naaksidente sila Jaya habang papunta sa concert ni Regine Velasquez na kasalukuyang may US concert tour.
Pinakita ni Jaya ang wasak nilang sasakyan sa bandang likuran.
“On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V’s concert...when all of a sudden we get into a car collision. My friends Dr. Josephine Weber was driving and with us was Auntie Merly Escolta (her cousin) when suddenly we get hit from the back. I am doing ok but my friends are being checked and they will be alright, by God’s grace. Thank you Jesus for sending us divine protection and covering us with your blood. It could’ve been super worse. I’m glad Doc and Auntie Merls are ok.
“Thank you Lord for making it another day. I am grateful for your mercy and grace. Praise your Holy name.
“Please wear your seatbelts, AT ALL TIMES WHEN YOU ARE IN A VEHICLE, especially if you’re a back seat passenger.”
Matagal nang nakatira sa Amerika si Jaya.
Hindi pa gaanong natagalan nung nasunog naman ang bahay na tinitirhan nila Jaya sa Amerika na buti na lang daw at insured.
Ogie, sinamahan ang anak sa Montessori model sa NY
Bumiyahe sa US si Ogie Alcasid at anak na si Nate.
Pero hindi para mag-concert ayon kay Ogie o manood ang concert ni Regine kundi para mag-chaperone sa anak na delegate sa Montessori Model of the UN sa New York.
Aniya sa isang photo na kasama ang ibang parents ng delegates:
“Ang aking mga co parents na sama sama kami sa pag chaperone sa aming nga anak as they will be delegates to the Montesssori Model to the United Nations dito sa New York. We are excited to witness how our children will interact and exhange views on current issues in our world today and make resolutions with other children from other nations. Go kids!!! The Lord bless you all!”
Ang dami namang nagpa-hashtag ng #ProudParentAlert kay Ogie.
Pamilya ng beteranong direktor Tikoy Aguiluz, sinasarili muna ang pagluluksa
Pumanaw ang batikang direktor na si Tikoy Aguiluz na Amable “Tikoy” Aguiluz VI sa totoong buhay.
Walang nabanggit ang kanyang pamilya ng dahilan ng pagpanaw nito.
Humihingi muna sila ng paumanhin na hayaan muna silang magluksa sa kasalukuyan.
“While we grieve this loss deeply, we kindly ask for your understanding as we choose to mourn in private for the time being.
“We assure you that once we are ready, we will share details about a public service where all who knew and loved Direk Tikoy can join us in paying tribute and saying our final goodbyes.
“Your patience, understanding, and support mean the world to us as we navigate through this period of grief.
“We thank you for your thoughts, prayers, and expressions of sympathy during this time,” ang buong pahayag ng pamilya Aguiluz.
Kabilang sa mga ginawang pelikula ni Direk Tikoy ang Balweg, Segurista, Rizal In Dapitan, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at marami pang iba.
Siya rin ang nagtatag ng Cinemanila International Film Festival noong 1999.