^

Pang Movies

Glaiza, may ibang pinagkakakitaan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Glaiza, may ibang pinagkakakitaan
Glaiza de Castro

Pinasok na rin ni Glaiza de Castro ang pag-produce ng pelikula at ang unang venture niya ay co-producer niya si Ken Chan sa mystery-thriller film na Slay Zone.

Kakaibang Valentine movie raw ang Slay Zone dahil panggulat daw ito sa mga magde-date sa Araw ng mga Puso. Kasama rito ni Glaiza ay sina Pokwang at Abed Green.

Kasalukuyang tinatapos ni Glaiza ang ilang araw na lang na taping sa Seoul, South Korea ng Running Man Philippines.

Liezel, mas bet makipag-date sa matanda

Single but dating ang Sparkle actress na si Liezel Lopez. Kahit daw focus siya sa kanyang career, nagagawa pa rin niya ang makipag-date paminsan-minsan.

“Hanggang dating lang muna talaga. Gusto ko pong i-discover pa ang sarili ko,” diin ng Asawa Ng Asawa Ko kontrabida.

Ang dine-date raw ngayon ni Liezel ay mas older sa kanya at hiniling niya rito na maging magkaibigan muna sila. At wala pa raw munang reveal kung sino ito. “Secret po muna siya. Gusto ko po munang i-keep sa sarili ko. Kapag sure na sure na, ako na mismo ang magsasabi. Parang surprised!” tawa pa ni Liezel na isa sa Sparkle 10 with Rabiya Mateo, Faith da Silva, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Shuvee Entrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Kate Valdez at Elle Villanueva.

Usher, kasal na sa longtime partner

Kinasal na ang R&B singer na si Usher at ang longtime partner niyang si Jenn Goicoechea sa Las Vegas ilang oras pagkatapos ng kanyang Super Bowl LXVIII half-time show noong nakaraang Feb. 11.

Kinasal ang dalawa sa Vegas Weddings, according sa marriage certificate na nilabas sa publiko noong Feb. 12.

The ceremony was officiated by the Rev. Ronald Joseph Polrywka na kilala bilang Ron DeCar. Naging witness sa kasal ay si Jonnetta Patton, ina ni Usher.

Usher, 45, and Goicoechea, 40, have been together since 2019 and have two young daughters.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with