Inamin ng former child actress na si Xyriel Manabat na nakipaglaban siya sa anxiety and depression noong 12 years old pa lang siya. Ito raw ang dahilan kung bakit siya biglang nagpahinga sa showbiz ng ilang taon para matutukan niya ang kanyang personal life.
“May times na sobrang lala, as in. Hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko, literal na may uncontrolled incidents na bigla-biglang nandiyan ‘yung hindi ko alam. Nagbibilang lang ako ng fries, umiiyak na ako. Natutulog na kami sa sala kasi, hindi kami pwedeng matulog na hiwa-hiwalay na room kasi nga bigla-bigla akong nati-trigger nang hindi namin alam lahat. And first time siguro sa family ko ‘yun kaya hindi rin nila alam kung paano i-handle properly.
“Nagiging tensionado kami lahat kasi hindi namin maintindihan at all. May times na nagkakaaway kami to the point na hindi na namin natutulungan ‘yung isa’t isa, naging sobrang toxic ng household. Kaya kinailangan ko nang mag-meds, kailangan ko nang mag-seek ng professional help,” sey ng Kapamilya star.
Hindi raw nakatulong ang mga gamot at may nag-suggest na kailangan niya ng therapeutic activities. “Kailangan kong lumabas, kailangan ko ng mga taong nagfi-feed sa akin ng good aura, positivity. Kailangan ko lang makita ‘yung beauty ng nature, sobrang ganda ng nature, sobrang helpful ng view, ng breeze. Ang saya-saya ‘pag umaalis nang biglaan, ang saya. Ngayon nag-i-invest ako sa happiness, nag-i-invest ako sa personal na alam kong kailangan ko and makakatulong na mapasaya ‘yung aura, mabigyan ako ng stability, ng peace of mind, doon ako nag-iinvest. Hopefully soon sa business naman.”
Lea, iikutin ang UK
Turning 53 in a few weeks, na-feature si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kung saan pinag-usapan ang success niya bilang isang theater actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na Miss Saigon in 1989.
Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute na Stephen Sondheim’s Old Friends na nagbukas noong October 2023 sa Gielgud Theatre. Ngayon ay magsisimula na si Lea ng kanyang UK tour para sa kanyang Stage, Screen & Everything in Between this summer.
Eight venues ang pagdarausan ng show at ang makapag-perform ulit ng isang gabi sa Drury Lane ay dream come true kay Lea: “We’ll definitely have Sondheim, some pop music, Disney, Miss Saigon, especially here, but it might not be the ones I sang. I remember doing the show and being envious of other people and their music. Now it’s 30-plus years on, I can pick and choose.”
After three decades sa theatre industry, malaki na raw ang pinagbago nito dahil naging open na ang lahat sa iba’t ibang klase ng tao.