^

Pang Movies

Cassy at Michael, mag-jowa na ang galaw

Gorgy Rula - Pang-masa
Cassy at Michael, mag-jowa na ang galaw
Cassy at Michael

May mga nagtatanong na sa amin kung magdyowa na ba talaga sina Cassy Legaspi at Michael Sager.

Ang una kasing napapabalita ay nagliligawan pa lang.

Pero natutukso na si Cassy sa Tahanang Pinakamasaya, dahil parang lagi itong masaya at masigla.

May pa-hugot lines pa siya minsan na parang in love ang dating at sinusundan ito ng mga tuksuhan ng mga kasamahan niya sa kanilang noontime show.

Ang narinig namin, nanliligaw nga raw si Michael, pero may nagsasabing parang sila na.

Ayaw lang daw nila magsalita dahil natsitsismis pa lang ngang nagliligawan ay nagri-react na ang fans nina Darren Espanto at Zephanie.

May fans na kasi talaga ang tambalang Michael at Zephanie, at sina Cassy at Darren.

Pero mahirap itago ‘yan.

Black Rider, nilayasan din ng mga staff!

Lalong na-challenge ang mga taga-Black Rider sa magandang ratings nila ngayon. Ilang araw nang natatalo nila ang katapat na Batang Quiapo, na purisigido rin daw na hindi na sila matatalo sa susunod.

Pero kasabay nito ay pinag-uusapan na sa social media ang isyung ilang buwan na raw hindi nababayaran ang stuntmen at ibang talents ng Black Rider.

Kasabay nito ay nag-resign ang ilang bahagi ng production staff kaya nagkagulo-gulo at pinagpiyestahan ito ng mga taong involved sa produksyon.

Pero ang latest na nabalitaan namin, nabayaran na raw silang lahat. Kaya tahimik na.

Dapat naman talagang maayos kung ano ‘yung problema, para walang nega.

‘Yung isyung hindi nababayaran, imposibleng lumaki pa ‘yan, dahil kaya naman ng GMA 7 na magbayad.

Maaaring nagkaproblema sa internal na issues, at nadagdagan pa ng pag-resign ng ilang staff.

Mabuti at naayos naman at mas lalong na-inspire si Ruru Madrid dahil sa magandang feedback sa kanyang action drama series at napapanatili pa niya ang ganda ng katawan.

vuukle comment

CASSY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with