Kristel, gusto pa ring umarte

Kristel

May ilang taon na rin na hindi lumalabas sa TV o pelikula ang aktres na si Kristel Fulgar para mag-focus sa pagiging isang content creator. Pero ayon sa kanya, bukas pa rin siya sa pagbabalilk sa pag-arte.

Sa interview ni Kristel sa Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi niyang napagsasabay pa niya noon ang pagiging artista at pagiging isang content creator. Ngunit natigil lang ito noong magsimula ang pandemic.

“Kasi, nung time po ng pandemic, nauso po ‘yung locked-in taping. Dati po napagsasabay ko ‘yung taping and content creating. Pero nung nagkaroon po ng ganung system na locked-in taping, nali-limit po ako sa paggawa ng content ko, ng vlogs ko,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Kristel, “I had to choose between the two, so pinili ko po ‘yung content creating kasi po na-realize ko, ang tagal ko na rin pong umaarte and ito po ‘yung parang bago, lalo na ngayon super uso ng digital content.”

Kaya ngayon na wala na uli ang locked-in taping, sinabi ng aktres na bukas pa rin siya sa paggawa ng acting projects.

“Minsan, nami-miss ko rin po ‘yung pag-arte and ako naman po, open naman po ako sa any job opportunities, any projects po kaya go with the flow lang po ako, kung saan may project,” sabi niya.

Anthony, natigalgal

Speechless si Anthony Rosaldo after ng success ng first major solo concert titled Switch: Anthony Rosaldo Live in Concert at the Music Museum last night, Jan. 31.

Sa naturang three-hour show, nag-perform ang Kapuso singer kasama sina Rita Daniela, Gian Magdangal, Khalil Ramos, and Ms. Menchu Lauchengco-Yulo.

“Dumating sa point na natutulala na lang ako kasi everything went well. Ramdam ko na talagang ‘yung attention ng mga audience sa akin, nakatutok sila. I brought them to different emotions, places, and I think we made them happy, and I felt that. I’m so happy. Everything that I ever dreamed and thought about in this concert, ‘yun ‘yung nangyari. So, happy ako,” sey ni Anthony.

Sinorpresa rin si Anthony ng co-stars niya sa musical na Ang Huling El Bimbo na sina Gab Pangilinan, Topper Fabregas, and Paw Castillo.

Show comments