Pordee loveteam, nag-trending

Marami ang natuwa at kinikilig sa muling pagkikita nina Miss Universe Philippines Michelle Dee and Miss Universe Thailand Anntonia Porsild dito sa ating bansa.

May fanbase at shippers na nga sila na #PorDee at hinihintay nila ang magi­ging activities ng dalawa para sa kanilang chosen advocacies.

At nag-trending pa sila.

Na-excite si Anntonia na muling nakasama si Michelle Dee na naging close friend niya during the 2023 Miss Universe pageant in El Salvador.

By the time na lumabas ang artikulong ito ay baka nga na-meet na rin niya si Rhian Ramos, ang housemate ni Michelle.

Nakita na ring nagbi-beach sina Anntonia at Michelle kasama ang iba pa nilang kapwa beauty queen kaya naman paseksihan talaga sila.

Show comments