MANILA, Philippines — Malapit na bang maging misis ang Kapuso actress na si Rhian Ramos?
Ayon sa karelasyon niyang si Party list Representative Sam Verzosa, pinag-uusapan na nila ang kasal.
Pero aniya ay wala pang definite plan.
“Plano, pinag-uusapan pa lang but walang specific day/date,” sagot niya nang sandali naming na-chika sa media launching ng Congress TV kung saan isa siya sa kasama sa ilang congressman na nag-promote ng live coverage ng kanilang mga session na mapapanood sa PTV4 since Monday.
“But of course nandun ‘yung napag-uusapan namin ng paminsan-minsan lang.
“Of course, our future—I mean, we wouldn’t be together kung hindi namin pinag-uusapan ‘yung future namin, ‘yung mga plano namin sa buhay, mga pangarap namin. So ina-align namin para pareho kami.”
At forever na aniya toh or the one na ang Kapuso actress.
“Syempre, ayun naman ang lagi nating inaasam, pinagdarasal at ginagawa natin lahat para mangyari ‘yun kasi if you really want something you exert effort, consistency, disiplina just like in anything else, you really put up the time and effort to make the relationship stronger and better.”
Common knowledge ang pinagdaanang pait ni Rhian sa mga nauna niyang karelasyon bago naging sila ni Cong. Sam na kilala ring negosyante at President ng Modena Motorsports na distributor sa bansa ng luxury car na Maserati.