Jiro, walang-wala nung Bagong Taon!

MANILA, Philippines — Naging controversial ang pagbebenta ng dating award-winning child actor na si Jiro Manio ng isa sa kanyang acting trophies sa halagang P75,000 at umani ito ng katakut-takot na bashing mula sa netizens for the inactive actor.

Nang mag-guest siya sa Fast Talk ni Boy Abunda, sinabi niya na hindi siya puwedeng bumalik sa pag-aartista due to health concerns according to his doctor. Bawal umano sa kanya ang mapagod at ma-stress at under medication pa umano siya. Pero ang problema, paano ang kanyang mga pangangailangan?

Bago mag-New Year ay walang-wala umano siyang pera na panghanda nila para sa Bagong Taon.

Kinuha umano niya ang isa sa kanyang mga Best Child Actor trophies (from Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino) at ito’y ibenta umano niya sa sikat na content creator na si Boss Toyo.

Pero ano puwedeng gawin ni Jiro kapag naubos na ang P75,000 na pinagbilhan ng trophy, ibebenta rin kaya niya ang mga natitira pa niyang award?

Ayon sa actor, nananatili umano siyang volunteer worker sa rehabilitation facility in Bataan kung saan siya sumailalim ng rehab.

Rhen, malas sa lovelife

Ang mahusay na Viva actress at bida ng hit horror movie na Marita na si Rhen Escaño ang first ever brand ambassador ng CC6 Online Casino na kilala rin sa kanilang community charity works.

Bukod sa pagiging bahagi ni Rhen sa tumatakbong hit primetime TV series na Can’t Buy Me Love, meron din siyang bagong TV series na matutunghayan sa TV5, ang TV adaptation ng 1986 movie na Lumuhod Ka Sa Lupa.

Makakasama niya sa serye sina Sarah Lahbati, Sid Lucero at Kiko Estrada. Ito’y magkatulong na pamamahalaan nina Albert Langit at Dick Lindayag.

Since maganda ang pasok ng taon kay Rhen, umaasa ito na magiging mas magiging busier siya this year ma­ging ang pagdating ng iba niyang endorsements.

Samantala, inamin niya na ilang beses na umano siyang sumugal sa larangan ng pag-ibig pero sadya nga yatang wala siya siyang suwerte sa aspetong ito kaya mas priority niya ngayon ang kanyang trabaho over love.

Show comments