Ruru, seryoso sa kampanya ng intellectual property

Ruru Madrid.
STAR/ File

Bongga umaarangkada pala ang full-action series na Black Rider hindi lamang sa TV kundi pati online dahil over half a billion views na raw ang serye sa GMA social media accounts!

Tutok na tutok nga ang intense scenes na umiikot sa kuwento ni Elias at ang pagkamit niya sa hustiyang inaasam ng lahat.

At ngayong napakilala na ang mapusok na karakter ni Michelle Dee ay lalo pang nagiging maaksyon at kaabang-abang ang mga eksena gabi-gabi.

Ayaw din tantanan ng karakter ni Katrina Halili si Elias. At dahil sa kanilang paghaharap, mapapahamak nga ba si Elias at mabubunyag na ang tunay na pagkatao ni Black Rider?

Samantala, priority ni Ruru ang kampanya sa intellectual property sa showbiz industry. Ayon kay Ruru : “Sa mga nangyayari ngayon, everybody can stream sa kahit na anong platform. For us, gusto lang din po naming sabihin na ito po kasing ginagawa natin is for the future of the entertainment industry din.

“We would like to say na ‘yung mga ganoong klase na wala po tayong pinanghahawakan na tamang streaming platforms or kumbaga vini-video po natin and then we post it on our social media, considered as pagnanakaw po ‘yun,” pahayag pa ni Ruru.

Show comments