^

Pang Movies

Kathryn, hindi pinagkaabalahan si Donny

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Kathryn, hindi pinagkaabalahan si Donny
Kathryn Bernardo
STAR/ File

Nagkita lang daw sa kasal nina Robi Domingo Maiqui Pineda sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan may gumawa na agad ng tsismis.

Pero mabilis namang itinanggi ni Donny at hindi raw ito totoo.

Nagkita lang daw sila sa kasalan at bilang magkaibigan ay nagbatian sila.

Na dapat naman paniwalaan.

Pero hindi kasali sa pelikulang ‘yan si Belle Mariano kaya magkakaalaman kung kaya na ba talaga ni Donny na mag-solo na hindi kasama ang kanyang ka-loveteam.

Inisip nilang isali ang pelikulang ito ni Donny sa MMFF, pero kasama ito sa mga naligwak.

Hay naku tingnan na lang natin kung makakatulong ang pagli-link kina Donny at Kathryn kahit pilit na pilit naman.

Miles, ayaw na talagang balikan si Elijah

Nagsalita na rin ang aktres na si Miles Ocampo, ang nanalong best supporting actress noong nakaraang MMFF tungkol sa naging split nila ng boyfriend niyang si Elijah Canlas.

Tumagal naman pala ng dalawang taon ang kanilang relasyon at kapwa naman nila inamin na totoong minahal nila ang isa’t isa.

In fact, pareho naman silang nagsasabing hanggang ngayon kahit na split na sila mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Inamin ni Miles na nagkaroon din naman sila talaga ng problema na nauwi nga sa kanilang break-up.

Pagkatapos noon napasok na naman sa usapan na naging mag-on na daw sina Elijah at si Andrea Brillantes.

Kaya lalong lumaki ang problema.

At ang sabi wala na raw talagang chance na magkabalikan sila.

Kaya hayaan na natin. Baka ‘yan ang talagang kapalaran nila.

Samantala, may nagsasabi namang ang totoo mabait si Andrea, kaya nga raw  kinausap noon si Kathryn at inamin ang milagro nila ni Daniel upang makahingi siya ng sorry dahil pinatulan niya iyon kahit na alam niyang may syota. Napatawad naman daw ito ni Kathryn pero siyempre inisplitan nito si Daniel.

Pero mayroon namang mga nagalit kay Andrea na nagsabing karma raw siguro iyan dahil sa ginawa niya at pinagsasabi  laban sa kanyang ex na si Ricci Rivero, lalo na nang tumanggi iyong makipagbalikan sa kanya at sa halip may niligawan nang iba.

Karma rin daw dahil nang mangyari ang “himala” nila ni Daniel ay boyfriend naman nito si Seth Fedelin na nagulat din nang malaman niyang may sunong na pala siya sa kanyang ulo, kaya nakipag-split din kay Andrea.

Naku kung uso pa ang mga senakulo ngayon tiyak na marami ang kukuha riyan kay Andrea para sa role ni Maria Magdalena.

Angelo Ilagan, tinodo na ang paghuhubad

Ang sinasabi naman nila naghubad na rin daw nang todo ang dating mahusay na actor na si Angelo Ilagan sa isang pelikula na ginawa niya para Vivamax.

Pero hindi mo naman masasabing ngayon lang naghubad si Angelo, kasi noong araw pa may isang ginawa siyang gay themed movie. Bukod pa nga sa katotohanang noong araw ay may kumalat na rin siyang video scandal sa internet.

Ngayon nga lang masasabing mas may katuturan na ang kanyang paghuhubad dahil at least bida siya sa pelikula kahit na pang-internet streaming lang naman.

Sa ganoon lang naman maaaring makalusot ang mga ganyang pelikula dahil sa ngayon batay sa composition ng board na pinamumunuan ni Lala Sotto mukhang mahirap makalusot ang pelikulang may taglay na kahalayan.

Wala ngang nagtatangka ngayong gumawa ng mahalay na pelikula, maliban sa mga sinasabi nilang pang internet lang na hindi pa nasasaklaw ng MTRCB bukod doon ang pinaka malaking dagok sa mga mahahalay na pelikula, hindi sila pinapayagan ng management ng SM na makapasok sa kanilang chain of theatres eh sila ang may hawak sa 60% ng lahat ng sinehan sa buong PIlipinas.

Wala talagang pag-asa sa sinehan ang mga pelikulang mahahalay, sa Vivamax na lang sila.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with