Firefly, nagdala ng suwerte

MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Muling naramdaman ang mo­viegoers na uhaw o sabik sa mga pelikulang Pinoy nitong Christmas holidays. First week na ng Enero 2024 ay pila pa rin ang mga sinehan. Masuwerte ang mga naging kalahok sa MMFF sa dami ng moviegoers na tumang­kilik sa mga pelikulang pinalabas.

Kaya naman na-extend ito ng one week.

Masuwerte rin ang GMA Pictures na matagal na nanahimik sa paggawa ng pelikula although lately ay may collaboration sila sa ibang film companies dahil may mga contract artist silang kalahok sa projects na iyon.

Best Picture ang Firefly na bago pa man nag-start ang Dec. 25 MMFF ay magagandang review na ang naririnig namin.

Dahil dito ay dinumog ang Firefly at nadagdagan ang mga sinehan ng pinalalabasan nito. Kaya saludo kami kay Zig Dulay, ang director ng Firefly na naging director din ng Maria Clara at Ibarra ng GMA 7.   

Show comments