Nanibago pagbalik sa taping

Jennylyn

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng 2024 ay balik-trabaho si Jennylyn Mercado matapos ang matagal din niyang pamamahinga.

Hindi pa tapos ang pandemic habang sinisimulan ang teleseryeng Love. Die. Repeat. ay nabuntis siya ng unang anak nila ni Dennis Trillo.  Kaya natigil ang taping nito.

Hanggang nanganak na siya.

Siya sana ang unang katambal ni Xian Lim sa unang proyekto nito sa Kapuso network. Pero naudlot nga kaya nabigyan si Xian ng GMA ng iba’t ibang project na pawang magaganda rin naman.

Anyway, naalala ni Xian na excited siya noong first taping day with Jen since first time niyang mami-meet ang Kapuso star. Dati raw ay nakikita lang niya si Jen sa notebooks ng mga estudyante – hindi pa siya artista nu’n. Uso kasi noong araw ang mga litrato ng mga artista sa notebook na paborito ng fans. Ngayon nga naman ay hindi niya inasahan na makakatambal niya si Jennylyn.

Bukod sa kanila ay kasama rin sa cast sina Shyr Valdez, Malou de Guzman, Ina Feleo, Mike Tan, Valencia Montenegro, Valerie Concepcion, Mike Tan at marami pang iba. Pero sa totoo lang parang hindi nanganak si Jennylyn pero ang isang inamin ng aktres, nanibago siya pagbalik sa taping ng LDR.

Para raw ulit siyang nag-uumpisa.  

Show comments