Princess, pinamaskuhan ang 500 kabataan

MANILA, Philippines — Matagal na ring inactive sa showbiz world ang nakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla na si Princess Revilla. Lingid sa kaalaman ng lahat ay abala si Princess sa kanyang negosyo na kung hindi ako nagkakamali ay isang construction business katulong ang mga anak. Dito siya nagiging abala sa araw-araw na pamumuhay.

Madalas kong makita si Princess noong nakakulong pa sa Camp Crame si Sen. Bong na madalas niyang dalawin.

Bukod sa negosyo ay mayroon pala siyang Princess Revilla Foundation Inc.

?sa sa mga proyekto ng foundation nung nakalipas na Kapaskuhan ay mag-share sa mga kabataan.

Kaya’t naghandog siya ng isang gift giving extravaganza na Pamaskong Handog para sa 500 kabataan - namigay sila ng mga laruan na ikinasiya ng mga kabataan.

Naniniwala si Princess na dapat pangalagaan ang mga kabataan na sinasabing kinabukasan ng ating bansa.

Naniniwala kami sa initiative na ito ni Princess ay maeengganyo ang iba pang showbiz personalities na may kakayahang magsagawa ng ganitong programa.                       

Show comments