“New year new home,” post ni James Reid sa isang harutan video nila ng girlfriend na si Issa Pressman nung New Year’s eve.
Pero ang napansin ng followers niya, ang background ng condo, same background sa post ni Nadine Lustre na nagkataong andun din kasama ang boyfriend, Christophe Bariou.
Parang iisa raw ang background na building at ang mga ilaw.
Kaya tanungan sila kung nasa iisang condo building ba ang mag-ex.
Bianca, nilantad ang ginawa nila ni Sen. Win nung New Year
Hinintay pa talaga ni Yassi Pressman ang New Year bago nilantad sa social media ang relasyon nila ng pulitikong si Luigi Villafuerte, Governor of Camarines Sur.
Sa Vietnam sila nag-Bagong Taon.
At sa post ng actress excited na siya ngayong 2024.
August lang of 2023 nang aminin ng actress na wala na sila ng negosyanteng si Jon Semira. Pagkatapos nu’n ay marami na ang kumalat na sighting nila ng pulitiko.
Samantala, disabled ang comment section ni Bianca Manalo sa kanyang New Year post.
“Just in time for the NYE countdown in Las Vegas!!! Hello 2024!!!” aniya sa isang reel na ipinakita ang hotel room nila ng senador at kung paano nila sinalubong ang bagong taon sa Amerika.
Kaya walang makatambay na bashers.
Mukha ngang hindi naman nakaapekto si Rob Gomez sa relasyon nina Bianca at Sen. Win Gatchalian.
GMA, nakalatag na ang mga programa sa 2024
May latest pasilip sa iconic telefantasya ng GMA Network na Encantadia Chronicles: Sang’gre.
Makikita nga sa teaser na inilabas nung isang araw (Jan. 1) ang pagsasama-sama ng dalawang henerasyon ng mga Sang’gre. Past meets present ang kanilang peg habang nagkakasiyahan sa isang bar!
Sinimulan ang video ng very hot appearance nina Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, at Glaiza de Castro bilang Pirena. Sinundan naman ‘yan ng grand entrance ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva, at Angel Guardian.
Agad na umani ng papuri mula sa netizens ang patikim na ‘yan!
Samantala, ni-reveal na ng GMA Network ang bigating shows na ihahandog nito ngayong bagong taon!
Una na riyan ang pagbabalik-teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kasama ang bankable actor na si Gabby Concepcion sa My Guardian Alien.
Mapapanood na rin simula Jan. 15 ang much-awaited comeback ni Ultimate Star Jennylyn Mercado kasama ang in-demand leading man na si Xian Lim sa Love. Die. Repeat.
Back-to-back ang premiere nito sa seryeng Asawa Ng Asawa Ko na pagbibidahan naman ng dekalibreng aktres na si Jasmine Curtis-Smith at Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz.
This 2024, magsasanib-puwersa rin sa Pulang Araw sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, First Lady of Primetime Sanya Lopez, Pambansang Ginoo David Licauco, at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
First time naman sa isang proyekto nina Bea Alonzo, Gabbi Garcia, at Carla Abellana na bibida sa Widow’s War.
Pinakaaabangan din sa GMA Prime this year ang A Lifetime With You.
Ipalalabas din this year ang kauna-unahang adaptation ng isang K-drama sa afternoon slot na pinamagatang Shining Inheritance. Pagbibidahan ito nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, at seasoned actress Ms. Coney Reyes.
Makikilala naman si Jo Berry bilang si Lilet Matias: Attorney-at-Law.
Marami ring bagong kuwento na aantig sa bawat pamilya gaya ng Mommy Dearest, A Mother’s Tale, at A Family Like Us.
Unique ang istorya pero very relatable naman para sa mga nangangarap ang upcoming series na Forever Young at For the Love of Kobe.
Magsisimula naman this Jan. 8 sa GMA Afternoon Prime ang handog ng GMA Public Affairs na Makiling na pinangungunahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Magkakaroon din ng season ang Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0 nina Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Ganundin ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ni Sen. Bong Revilla and Beauty Gonzalez .
Humanda rin para sa 2024 version ng Running Man Philippines.
Muli ring mapapanood ang original singing competition The Clash at ang The Voice franchise will launch this year.
Wow, at least sinasabi man nilang mababa ang TV rating ngayon dahil sa kumpetisyon sa social media platforms, tuloy ang paglaban ng Kapuso network.