Bea, tinupad ang wish ni Carla

Bea Alonzo

Matutupad ang wish ni Carla Abellana na makatrabaho si Bea Alonzo dahil ang susunod na series ni Bea after Love Before Sunrise ay si Carla ang isa sa makakasama. Silang dalawa ang bida sa seryeng may pamagat na Widows’ War.

Ang sabi, ito ang Book 2 ng successful Widows’ Web nina Carmina Villarroel at Ashley Ortega at extension din ng Royal Blood na may konek ang story sa Widows’ Web.

Hindi ito fake news dahil mismong si Ricky Lee ang nagbanggit na magsasama nga sina Carla at Bea. Hintayin na lang ang formal announcement at iba pang makakasama sa cast at kung sino ang magiging director.

Naalala namin na may nagbanggit na isa pang series ang gagawin ni Bea sa GMA 7 bago sila ikasal ni Dominic Roque.

Kung ito na ang nasabing project, ang ibig nitong sabihin, malapit na ang kasal nila.

Kim, ‘di pa binubura ng nanay ni Xian

Open ang comment box ng Instagram ni Kim Chiu nang i-post ang confirmation ng breakup nila ni Xian Lim,  kaya lahat libre ang lahat na mag-comment. Iba’t ibang   ang mababasa na lalong nagpalungkot at nagpaiyak sa KimXi fans.

On the other hand, naka-off pa rin ang comment box ng IG ni Xian, pati ‘yung letter niya para kay Kim at confirmation na rin ng kanilang breakup. Kaya walang makapag-comment at iparamdam ang lungkot nila sa nangyari sa 12 years relationship nila.

Ang maganda lang, parang good breakup ang nangyari sa kanila at mababasa ito sa letter ni Xian na sinabing, “No goodbyes here, i’ll see you around petunia.”

Si Kim naman, pinasalamatan si Xian at may sinabing, “You will always have a place in my heart.” Saka, Xi pa rin ang tawag ni Kim sa ex na.

Napansin lang namin na naka-off din ang comment box ng mom ni Xian, hindi kami sure kung dati nang off ang comment box ng IG nito o ngayon lang para siguro walang KimXi fans na iiyak o magsusumbong sa kanya.

Isa pang napansin namin, may photos pa rin ni Kim sa IG ng mom ni Xian.

Show comments