^

Pang Movies

Andrea, ‘di pa rin maka-deny?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Andrea, �di pa rin maka-deny?!
Andrea Brillantes
STAR/ File

Sa tingin ng iba mukha ngang balewala na ang lahat kay Kathryn Bernardo at mukhang ok na sila ni Daniel Padilla sa dalawang okasyong magkasama silang dalawa.

Pero marami ang nakapansin na nang tumanggap ng award niya si Daniel, may sumisigaw ng “boo” at “cheater” pero hindi naman niya pinansin iyon.

Pero may mga mukhang dismayado, bakit daw sa kabila ng lahat ay mukhang hindi na kumikibo si Kathryn?

Ngayon kung makipagbalikan man si Kathryn kay Daniel sa kalaunan hindi rin naman ninyo siya masisisi, labing isang taon ang kanilang relasyon at hindi madaling basta kalimutan iyon.

Pero sa totoo lang, parang dadalhin ni Andrea Brillantes ang kung anumang galit ng KathNiel fans.

At ang panalo sa laban, si Ricci Rivero na ngayon ay ang magandang girlfriend, si Leren Mae Bautista.

Si Kathryn ano naman ang pakialam niya kay Andrea, problema ni Andrea na linisin ang pangalan niya.

Bakit ba hindi siya magsalita?

Kyline, may pasasabuging lihim?!

May nagkuwento lang naman sa amin nito na isa naming kasamahan sa trabaho. Ang sabi niya gustung-gusto na rin niyang sulatin pero pinipigil niya ang sarili niya dahil naaawa siya kay Kyline Alcantara ayaw rin daw niyang pangunahan ang aktres kung mag-decide iyon na magsampa ng kaso sa korte laban sa mga naninira sa kanyang pagkatao.

Isa pa, mukhang sinabihan din sila ng “management” nila na huwag nang kumibo tungkol doon dahil siyempre ang gusto ng network ay huwag masira ang sino man sa kanilang mga star.

Lately maraming mga paninirang lumalabas tungkol kay Kyline Alcantara, at medyo below the belt na ang ilan. Nagsimula raw iyan nang lumabas na nakipag-break na siya sa dating boyfriend na si Mavy Legaspi.

Siguro may mga nasa kampo naman ni Mavy na hindi nagustuhan iyon o natatakot na baka may sabihin si Kyline laban kay Mavy kaya inuunahan na nila.

Pero kawawa si Kyline sabi ng aming source at wala pa siyang sinasabing kahit na ano, hindi pa niya inilalabas ang kabuuan ng kuwento. “Naku, kuya Ed, darating ang araw ilalabas ko lahat iyan, at ikukuwento ko rin sa iyo ang lahat ng nalalaman ko,” sabi pa ni aming source.

Male starlet, pinipilit makipag-sex ang karelasyon!

Aba eh may pagka-maniac pala ang male starlet, o baka naman lasing lang o bangag kaya niya nagagawa iyon.

May kuwento madalas daw pinipilit ng tila maniac na male starlet na makipag-sex sa kanya ang kanyang syota kahit na ayaw ng babae. Minsan daw kahit nasa loob ng kotse, pinipilit niya ang babae na gawin sa kanya kung ano ang gusto niya.

Aba eh bakit nga kaya hindi na lang maghanap ng bading ang male starlet na iyan. Kung bading iyon hindi na niya kailangang pilitin pa, mangyayari ang gusto niya. Pero sa isang babae minsan mahirap mong ipagawa ang ganoon, lalo na sa isang disenteng babae.

vuukle comment

ANDREA

DANIEL

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with