Boyet at Ate Vi, nagbago ng atake
Sa dinami-rami ng nagawang pelikula together nina Vilma Santos and Christopher “Boyet” de Leon, may mga nadiskubre pa rin daw sila sa isa’t isa while doing When I Met You In Tokyo.
Unang-una nga, sey ni ate Vi, nag-mature na sila pareho ni Boyet.
“In this movie, ang laki na ho ng ipinagbago,” sey ni Star For All Seasons sa grand mediacon ng When I Met You na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival.
“Even the professionalism and the relationship of our team is very mature. Mature na po ang attack namin dito and I guess it goes with us, with our age also. Kami ni Yetbo, ako rin.
“So, ‘yung maturity namin, pwede ko pong masabi na nadala namin ‘yung lahat ng improvement when it comes to acting, relationship bilang aktor, palagay ko, nadala po namin ‘yun in this particular movie,” sey ni ate Vi.
Ayon naman kay Boyet, ang isa pang pagkakaiba sa reunion movie nilang ito kaysa sa mga dati nilang ginawa ay associate director daw siya this time at si Ate Vi nga raw mismo ang kumausap sa kanya.
Bilib na bilib pa rin si Boyet kay Vi not only as a good actress kundi ang dali raw talagang makaintindi ng mga eksenang gagawin.
“Ang dali niyang mag-absorb, ang dali niyang maintindihan kaagad what the scene, what you tell her, you know, like what emotions, or if it a light scene, heavy scene, medyo romantic scene, alam niya kaagad how to go about it,” papuri ni Boyet kay Vi.
Sey pa ng premyadong aktor, ngayon lang daw tayo mapapatawa ng isang Vilma-Boyet film at sinigurado niyang mae-enjoy ng mga manonood ang pelikula.
And more than the awards, wish ni Ate Vi na maging maganda ang resulta ng When I Met You in Tokyo sa box office para naman daw sa new producers na sumugal na gawin ang pelikula.
“Sana po kumita ‘yung pelikula hindi lang po para sa amin kundi rin po sa mga producers who took the risk of first time to produce a movie and they trusted us, ako saka si Yetbo and the other cast to do this film.
“So ang focus ko ngayon is for When I Met You in Tokyo to do good at the box-office. Blessings kung may mga awards, but gusto ko lamang makita uli ‘yung mabalik natin ‘yung excitement ng mga tao before na ‘pag sinabi mong blockbuster ang pelikula, you could really see the line na talagang pumipila sila and they really watch your film. ‘Yun po ang medyo nawala,” pahayag ni ate Vi.
Showing na sa Dec. 25 ang When I Met You in Tokyo mula sa direksyon nina Rommel Penza and Conradu Peru. Also in the cast are Gabby Eigemann, Gina Alajar, Kakai Bautista, Darren Espanto, Lotlot de Leon at marami pang iba under JG Productions, Inc.
- Latest