Alden, type maging manugang ni Shawie

Alden

MANILA, Philippines — Ang Cineko Films ay nagulat na tinanggap ni Alden Richards ang lead role sa Family of Two na pagbibidahan nila ni Sharon Cuneta.

Sa sobrang busy raw ni Alden ay imposibleng tanggapin daw niya ito. Pero nagawan daw ng paraan ni Alden ang schedules niya para magawa niya ang Family of Two na matagal na niyang pinapangarap na makasama ang isang big star sa mga proyekto niya.

Ang writer na si Mel del Rosario ay aminadong hindi niya type si Alden hanggang maranasan niya ang pagiging mabait at humble nito sa kalagitnaan ng shooting ng pelikula. Maski ang ating Megastar ay full of praises sa ugali Alden at wish niya na maging son-in-law niya si Alden. She consider Alden one of her son.

Sa kalagitnaan ng presscon ay ibinahagi ni Alden ang pagmamahal ng isang ina at alam naman natin maagang nawala ito at kulang ang pinakita niyang pagmamahal at kaya sinasabi niya sa mga ibang buhay pa ang ina na ipakita o iparamdam ang pagmamahal sa kanilang ina.

Napakasaya ng presscon at sa bonggang pa-raffle ng producer. Nag-enjoy ang lahat.

Show comments