^

Pang Movies

Xian, pinagpalit si Kim sa taga-Viva?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Xian, pinagpalit si Kim sa taga-Viva?!
Xian Lim

MANILA, Philippines — Ano ba ‘yan? Si Baron Geisler nali-link sa isang taga-GMA Network daw, heto naman si Xian Lim nali-link sa isang taga-Viva raw. Nang mabasa namin ang tungkol kay Xian, wala pang nabanggit na pangalan at ang tsika lang, taga-Viva nga raw ang girl at madalas kasama niya na hindi imposible dahil contract star na siya ng Viva Artists Agency.

Nitong huli, may nabanggit nang pangalan at tila Iris Lee ang name ng girl na siguradong magiging controversial dahil nasa gitna ng isyung hiwalayan sina Xian at Kim Chiu.

Sabi naman ng fans ni Xian, patas na sila ni Kim dahil nali-link naman ito kay Paulo Avelino at marami ang kinikilig sa kanila.

Nananatiling tahimik si Xian, hindi na siya madalas nagpo-post sa Instagram at walang makapag-comment sa kanyang mga post dahil naka-off ang comment box ng kanyang IG.

Miles, may kinonsulta kay Alden?!

Nakakatuwa at kakaiba ang pakiusap ng fans sa Cineko Film Productions, ang producer ng Family of Two, na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival. Huwag daw isabay sa presscon nina Sharon Cuneta at Alden Richards si Miles Ocampo na kasama sa cast.

Ang rason, kapag daw present si Miles, baka sa breakup lang nila ni Elijah Canlas ma-focus ang presscon. Baka raw hindi na mapag-usapan ang pelikula.

May nakita pala kaming larawan nina Miles at Alden na seryosong nag-uusap at tanong ng netizens, ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa? Paniwala naman ng iba, may ikinonsulta si Miles kay Alden.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with