Matteo, excited sa parada!

Matteo
STAR/ File

Nagbabalik sa big screen ang legendary superhero!

May bagong mukha, may bagong kwento, pero punung-puno pa rin ng exciting at out-of-this-world adventures.

Si Matteo Guidicelli ang pinakabagong Penduko.

Ni-reimagine ng award-winning at box-office director Jason Paul Laxamana ang comic book character na nilikha ng National Artist na si Francisco V. Coching noong 1954 at muling ikukwento ang istorya para sa bagong henerasyon. Official entry para sa 49th Metro Manila Film Festival, ang Penduko ay isa sa 10 official entries na mag-uumpisang mapanood sa Pasko.

Bukod kay Matteo, mapapanood din sa pelikula si Albert Martinez, John Arcilla at sexy actress Kylie Verzosa.

“Penduko is the first MMFF venture of Epik Studios and Sari Sari Network, Inc. We are very excited and we look forward for families to watch this amazing masterpiece,” ayon sa Epik Studios at Sari Sari Network, Inc. Co-Chairman na si Jane Basas.

“Let’s make the MMFF a family tradition every Christmas once again. We want kids and parents to have a meaningful movie bonding experience. Brace yourselves for this is just the beginning of something Epik.” sabi naman ni Epik Studios President at Sari Sari Network, Inc. Co-Managing Director Vicente Del Rosario III.

Samantala, kahit gaano ka-occupied sa trabaho, negosyo at endorsement, ayon kay Matteo ang misis pa rin niyang si Sarah Geronimo ang priority niya at hindi siya nawawalan ng oras para rito.

Samantala, excited ang aktor/host sa kauna-unahan niyang pagsakay sa float bilang ito ang first time niyang sumabak sa Parade of Stars.

Show comments