‘Di pa rin nagpapakita... La Greta magiging lola na
Preggy na ang only daughter nila ng negosyanteng si Tony Cojuangco na si Dominique na ikinasal last March 4, sa San Agustin Church, sa entrepreneur na si Michael Hearn. Ginanap ang reception nito sa National Museum of Natural History.
“Little blessing arriving in 2024,” post ni Dominique kahapon na nanatiling low-key at hindi masyadong visible sa mga party o sosyalan.
Samantala, nang kumustahin namin si Gretchen kay Claudine Barretto nang makausap namin sa media conference ng Lovers/Liars, sinabi ni Claudine na ayos naman ang kanyang sister.
Nauna nang nag-share ng screenshot video call ni Claudine with Gretchen at isa pa nilang kapatid na si Jay-Jay.
“I miss u both terribly (face holding back tears emoji) i luv u my Ate & Kuya jjbarretto sooo much (face holding back tears and red heart emojis),” caption ni Claudine.
Pero walang nabanggit si Claudine kung nasa Amerika o nasa bansa ni Gretchen.
Showbiz couple, naging takbuhan ng aktres na may problema sa relasyon!
Alam pala ng isang showbiz couple 1 ang totoong naganap sa showbiz couple 2 na ngayon ay hiwalay na.
Ang showbiz couple 1 pala ang tinakbuhan ng actress nung nagkaroon away ang showbiz couple 2.
Pero ang complicated pala ng totoong kuwento.
Anyway, hintayin daw natin dahil lalabas din naman ito.
SRR Extreme, grabe ang mga eksena
Napagod sa pagtili ang mga dumalo at nanood ng premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme na literal na extreme ang mga eksena. Talagang ginandahan ng Regal Entertainment ang pelikula na PG 13, hindi PG 16 katulad sa naunang lumabas.
Mismong si Ms. Roselle Monteverde ang nagkumpirma nito.
Iba ang approach ng pelikula at mas maraming young and emerging actors, kasama na social media personalities na first time mapapanood sa mainstream movie.
Kasama sa ensemble cast sina Iza Calzado, Jane Oineza, Jane de Leon, RK Bagatsing, Paul Salas, Paolo Gumabao, AC Bonifacio, Donna Cariaga, Rob Gomez, Angel Guardian, Sarah Edwards, Dustin Yu, Miggs Cuaderno, Mika Reins, Bryce Eusebio, Jewel Milag, Esnyr Ranollo, Jana Taladro, Elle Villanueva, Phi Palmos, Ninong Ry, Ian Ginema, Francis Mata, Jericho Ejercito and Girlie Ejercito.
After 10 years na ang nakalipas bago natapos ang pinakabagong kabanata sa longest-running horror franchise ng Philippine cinema, ang Shake, Rattle & Roll Extreme.
Nakatatak na kumbaga sa industriya ang Shake...
Anyway, matapos mawalan ng puwesto sa Magic 10 ng mga entry para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), pinili ng Regal ang pre-Christmas playdate nito, simula sa Nov. 29, nationwide.
Dumating ang desisyong ito sa kabila ng naunang interes na magkaroon ito ng showing sa streaming platform tulad ng mga nakaraang pelikula ng Regal Entertainment.
“Most movies produced during the pandemic went straight to streaming. So, this is our first cinematic release post-pandemic. I really wanted this for cinemas,” pahayag ni Ms. Roselle sa isang interview.
Binubuo ito ng tatlong episodes na Glitch, Rage, and Mukbang.
Mula ito sa master directors Jerrold Tarog, Joey De Guzman and Richard V. Somes.
Sa totoo lang, ang tindi ng gulat factor at nag-adapt ang pelikula sa bagong approach sa paggawa ng horror movie.
Walang boring moment. As in talagang mapapatayo pa sa upuan sa mga matitinding eksena. Pero may mga nakakatuwang eksena rin naman lalo na sa Mukbang episode.
Mas pinaaga ng pelikula ang Pasko dahil ipalalabas na ito sa Nov. 29.
- Latest