KC, mag-aasawa na

KC
STAR/ File

Ipinakita ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang kanyang pinaka-unang condo.

Gusto niyang ibahagi ang kuwento sa likod ng kanyang condo na binili niya bilang kanyang first property investment.

Ipinakita niya ito para raw ma-inspire niya lalo na ang mga Gen Z at millennials na masipag na nagtatrabaho. Kung pakikinggan daw ang salitang real estate ay big word daw pero gusto niyang maging inspirasyon sa mga ito.

Nagbigay si KC ng kanyang empty condo tour dahil kakapa-renovate lamang daw niya ng lugar. Kung dati ay colorful ito ay ngayon all white at may mga touch of brown na ito kaya nagging mas elegante.

Isa pang binigay niyang tip ay mag-invest sa high-quality appliances dahil proud siyang ipinakita kung gaano pa kaganda ang kanyang mga kagamitan sa kanyang condo after 10 years.

Hinding-hindi raw niya pakakawalan ang condo niyang ito dahil sobrang espesyal nito sa kanya dahil may blessing daw ito ng kanyang mga magulang at pinaghirapan niya ito.

Siguradong maraming kabataan ang mai-inspire sa vlog niya.

Inaabangan naman ng fans kung mag-aasawa na kaya ang anak nina Sharon at Gabby. Naghahanda na kaya siya kaya pina-renovate niya ito?

Bongga dahil asawa na lang ang kulang kay KC na kasalukuyang karelasyon ngayon ang Filipino-Swiss na si Mike Wuethrich.

Show comments