^

Pang Movies

Sharon at Gabby, may repeat ang Dear Heart

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sharon at Gabby, may repeat ang Dear Heart
Gabby at Sharon
STAR / File

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang saya ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion followers dahil pagkatapos ng kanilang Dear Heart: The Concert sa Cebu last Friday, Nov. 17, nag-announce na sila na tuloy na ang repeat concert nila at magaganap na ito sa Feb. 13, 2024, sa MOA Arena pa rin, sagot nila sa tindi ng request ng kanilang fans. May dagdag pang balita si Sharon, na pareho silang willing muling magtambal ni Gabby, para sa reunion movie na request ng fans nila.  Kaya ang fans nila ay dasal na nilang sana raw ay mapanood na nila sa 2024.

Pahinga muna si Sharon pagkatapos ng tatlong concerts nila ni Gabby, at naghahanda naman siya sa promotion ng movie na pagsasamahan nila ni Kapuso actor Alden Richards para sa coming Metro Manila Film Festival sa December, 2023.

Ang hindi pa masagot nina Sharon at Gabby ay kung matutuloy ang concert nila abroad dahil sa ngayon ay busy sila pareho sa ibang projects.

May movie si Sharon at si Gabby naman, kahit tapos nang mag-taping ng Stolen Life for GMA Network ay nagti-taping na muli ng bagong drama series na pagtatambalan nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Rhian at Sam, pakakasal na!

Mauuwi na nga ba sa kasalan ang relasyon nina Kapuso actress Rhian Ramos at ng businessman boyfriend niyang si Sam Verzosa? Ito raw ang pahayag ni Sam, na si Rhian na ang nakikita niyang makakasama niya sa pagtanda at very soon ay pag-uusapan na raw nila ang tungkol doon, ayon kay Sam nang makausap siya sa presscon ng kanyang public service show na Dear SV na nagsimula nang mapanood sa GMA 7 last Nov. 18.

Ang alam daw niya at nararamdaman niya ay malapit na silang magpakasal ni Rhian, at kailangan na raw nilang pag-usapan iyon seriously.

Pero sa ngayon, busy na siya dahil kasama na siya sa big cast ng Encantadia Chronicles: Sang’gre at nagsimula nang mag-taping si Director Mark Reyes ng serye na mapapanood na early 2024.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with