^

Pang Movies

Fans ni James, mas type ang kanyang pagpapa-cute

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Fans ni James, mas type ang kanyang pagpapa-cute
James
STAR/ File

Ano kaya ang feeling ni James Reid na ang pelikulang inaasahan niya noon na mag-aangat sa kanya sa solo stardom niya ay naibigay na kay Matteo Guidicelli?

Kanyang-kanya na sana pero umalis siya sa Viva Films at nagbukas ng sariling talent ma­nagement group.

Isa pa kailangang iwanan niya ang ambisyong iyon dahil nagkaroon siya diumano ng problema sa spinal column na baka lumala pa kung gawin niya ang action folk tale.

Si James kasi maski noong araw ay may sariling fans. Mayroong maaasahang suporta sana sa kanya.

Ngayon sinasabing nawala ang kanyang popularidad dahil umiba siya ng linya, pero kung gagawin niya ang kagaya noong dati, malamang ang popularidad ni James Reid.

Hindi hinahanap ng tao kay James ang magandang musika, hindi hinahanap ng fans ang matin­ding acting. Ang gusto ng kanyang fans ay manatili siyang si James Reid na cute sa kanilang paningin at matinee.

Pero may plano pa ba siyang balikan ang dati niyang imahe.

Toni, tinanggi si Eric!

Ano ang masama sa sinabi ni Eric Fructuoso na niligawan niya noon si Toni Gonzaga at nag-date sila ng tatlong taon?

Ang sabi lang naman ni Eric nagkakasama sila sa dates, hindi naman sinabing umabot sila sa point na magsyota talaga sila.

Isa pa, sa sinabing iyon ni Eric makakapagmalaki pa si Toni dahil hindi naman natin maikakaila na noong panahong iyon si Eric ang sinasabing pinakapoging Gwapings. Isa pa, isipin mo nahanay siya kay Claudine Barretto na niligawan ding una ni Eric?

Eh ano naman ang masama kung sinabi man ni Toni na ang kanyang asawa ngayong si direk Paul Soriano ang una at huli niyang boyfriend?

Eh iyon ang gusto niyang sabihin eh, ano ang pakialam natin.

Sinabi naman niyang may iba pa pero hindi nga niya nai-consider na boyfriend talaga.

Baka naman kasi ang tingin niya kay Eric noon ay “ligaw bata” lang dahil bata pa naman talaga si Eric noong mga panahong iyon.

Ano ang issue roon?

Baguhang male star, expert magpabayad

“Pogi-pogian, linis-linisan,” ganyan daw ang gustong image na mai-project ng isang baguhang male star sabi ng isa niyang kasama sa isang serye.

Pero aware raw naman sila na image lang iyon dahil bistado rin pala nila ang sideline ng male star basta wala silang shooting.

Istambay siya sa mga watering hole at naghihintay ng makaka-date niya for the night, na siyempre hindi lang ka-date na magbabayad ng kanyang bills sa watering hole kundi magbabayad pa sa kanya pagkatapos.

Tutal ibinibigay naman niya openly ang kanyang sarili. Kaya raw pala sa gay love scenes ay hindi na nahihirapan si direk na turuan siya kung ano ang gagawin, sanay na siya sa dapat na acting kung nasa ganoong act na siya.

Remember, may mga resibo.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with