Balik-drama series si Claudine Barretto, with Lovers/Liars na isang co-production between Regal Entertainment and GMA Network. Inspired ito ng film ni Joey Reyes na Bayarang Puso, na tungkol sa romance between rich woman and a younger man, na dating ginampanan nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach.
Ang huling teleserye ni Claudine sa GMA ay ang Iglot in 2011 with Marvin Agustin. Kaya after 12 years nagbabalik-Kapuso si Claudine. At sa Lovers/Liars makakatambal niya si Yasser Marta as the young architect she has an affair with.
Hindi ba nanibago si Claudine na makipag-interact sa young actors na kasama niya sa serye? “Hindi naman. Yes, noong una medyo nag-worry ako dahil most of them ay ngayon ko lamang makakasama sa trabaho,” sagot ni Claudine. “But everyone in the show is very caring and very nice and very talented. I felt at home in their company, and I can say na ‘yung mga young co-stars ko rito malayo ang mararating nila. And with the help of our director, Crisanto Aquino, maayos ang tapings namin.”
Bakit tinanggap ni Claudine ang project? “Ang daming ibang scripts ang natanggap ko pero ito ang pinili ko kasi it gives me the chance to finally work with Regal. In the early ‘90s dapat gagawin ko noon ang Gwapings with them pero hindi natuloy. Finally, natuloy na rin ngayon, nagustuhan ko ang story nang ikuwento nila sa akin at napansin kong iba siya sa nagawa ko na dati na about secrets and lies na sumisira sa relationships.
“I played the role of Via Laurente, an accomplished woman who’s my age now, and the treatment is very daring, matapang siya, na ngayon ko pa lamang gagawin. Tinanong nga ako ng director namin kung may limitations daw ako, pero sabi ko kung ano ang ipagawa niya, I am willing to do it.”
Sa Monday, Nov. 20, na ang world premiere ng Lovers/Liars at 9:35 p.m. sa GMA 7, after ng Love before Sunrise.
Five Breakups…, dinala sa Australia
Umabot na pala sa P72 million ang box-office gross ng Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes.
Nag-announce na ngayon ang Myriad Corporation ni Alden Richards na ipalalabas ito sa Melbourne! (Australia) sa Nov. 25 and Nov. 26 (both at 4 p.m.) at Palace Dendy Brighton Cinema 4.
Kaabang-abang ang pagdalo nina Alden at Julia ng two-day block screenings nila sa Australia.