^

Pang Movies

Showtime, nakabalik na!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Showtime, nakabalik na!
Showtime hosts
STAR/ File

Nakabalik na ulit sa ere kahapon ang It’s Showtime. Kaya’t nag-trending ang #It’sShowtimeReturns.

Nawala ng 12 araw ang programa na pansamantalang pinalitan ng It’s Lucky Day na sa totoo lang ay naging positibo ang pagtanggap ng publiko kay Luis Manzano at sa iba pa niyang mga kasama sa programa na ‘yun kaya’t maingay ang usapan na baka makalaban ito ng diumano’y mag-uumpisang programa ni Willie Revillame sa government channels.

‘Yan ang abangan natin. Parang mas exciting.

Sunshine, may pangaral tungkol sa sex

“Iyong sex, mas mabuting napag-uusapan at natututuhan sa bahay sa paggabay ng mga magulang kaysa sa matutuhan ng mga bata sa hindi makapagtuturo sa kanila nang tama,” sabi ni Sunshine Cruz na umaming open siya sa kanyang mga anak kung may usapang sex.

“Ang sex ay hindi nangangahulugan ng pagpapakawala ng init ng katawan, kundi isang expression of love. Ginagawa iyon ng dalawang tao dahil sila ay nagmamahalan. Kung hindi nila ginagawa iyon dahil sa pagmamahalan, mali iyon. Sa mga anak ko, iyan ang sinasabi ko, iyan ay expression of love. Nag-iinit ang katawan mo, data maligo ka. Hindi sex ang iisipin mo,” paliwanag pa ni Sunshine.

Maraming mga kabataan ngayon na umuuwi na lang ng bahay na buntis na. Papaano kung mangyari iyon sa isa sa kanyang mga anak? “Kung may mangyari mang ganoon sa kanino man sa aking mga anak, aalagaan ko siya. Tutulungan ko siya sa kanyang problema. Hindi natatapos ang aking pagiging ina sa aking mga anak kung mayroon silang nagawang pagkakamali. Mas lalong kailangan ko silang damayan, tulungan,” sabi pa ng magandang aktres.

Payag ba siyang mag-asawa ang mga anak niya sa murang gulang?

“Hindi, at siguro hindi naman nila maiisip iyon dahil ang buhay ko ay aral na rin para sa kanila. Kailangan nasa wastong gulang, kailangan nauunawaan na nilang talaga ang buhay may asawa, at ang kanilang responsibilidad kung sila ay may asawa na,” patapos na sabi ni Sunshine.

Ricci, mas mabilis naka-recover!

“Fake news,” iyon lang ang maikling sagot ni Bea Borres na kaibigan ni Andrea Brillantes. Natatahimik na sana ang sitwasyon nang muli na namang tinalakan ni Bea si Ricci Rivero at ang syota nito ngayong si Leren Mae Bautista.

Iyon ang nagtulak kay Ricci Rivero upang ipagtanggol naman ang kanyang nobyang si Leren Mae.

Tapos sinabi niyang ilang ulit ding nagtungo sa kanyang condo si Andrea at gustong makipagbalikan sa kanya, pero iyon daw ay kanyang tinanggihan. Noong tumanggi na raw siyang makipag-reconcile kay Andrea, at saka lumabas ang lahat ng paninira sa kanya.

Obviously naka-move on na si Ricci hayaan na siya total sinabi naman niyang ayaw na niyang makipagbalikan kay Andrea kahit na ilang ulit siyang pinuntahan noon sa kanyang condo ng madaling araw.

Si Andrea naman, eh ano ba kung ayaw siyang balikan makakakuha rin naman siya ng ibang boyfriend.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with