After 50 days sa ospital, nailabas na rin ng Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide ang twin baby daughters nila ng partner niyang si Ellen Frojd.
Inabot ng two months and a half sa neonatal intensive care unit (NICU) ng Makati Medical Center ang kambal dahil ipinanganak silang premature o kulang sa buwan. Nasa 30 weeks pa lang sila nung isilang sila ni Ellen noong Aug. 13.
Kaya masayang-masaya si Fabio dahil nasa bahay na nila sina Maya at Luna. “Thank you everyone for the prayers and positive thoughts throughout these past few days and big thank you again to all the nurses, doctors and staff from Makati Med. You guys are indeed the best in the country when it comes to premature babies. Welcoming the Puyat nights with open hearts and a big smile on our faces,” post ni Fabio sa Instagram.
Grae, mas piniling mag-aral sa New York
Binalikan nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso ang mga ganap noong mabuo ang Guwapings noong 1992.
Kasama rin sa Guwapings si Jomari Yllana at naging regular cast sila sa sitcom na Palibhasa Lalake. Naging box-office hit naman first movie nila na Guwapings: The First Adventure.
Hindi raw nila in-expect noon na sisikat sila hanggang sa makita nilang hinahabol na sila ng fans kahit saan sila magpunta.
Pag-alala ni Mark: “Noong hinahabol kami ng mga tao at sinisigawan. ‘Yung part ng feeling ko, Beatles kami.”
Kuwento ni Eric: “Bawal kami lumabas at pumunta ng mall pero hindi namin sinunod at nalaman namin kung bakit bawal. Pumunta kami sa Bench at ayun sinara, hindi kami makalabas.”
Noong buhay pa raw ang manager nilang si Douglas Quijano, lagi raw silang pinagagalitan nito dahil sa pagiging makulit at sa katigasan ng ulo nila.
Ngayon ay parehong tatay na sina Mark at Eric. Proud si Mark sa anak na si Grae dahil mas pinili nito ang mag-aral ng filmmaking sa New York kesa ituloy ang showbiz.
Si Eric naman ay lolo na dahil may apo na siya sa panganay niyang si Frederick.
Xmas single ni Cher, pasok sa billboard
Big hit agad ang first Christmas single ni Cher na DJ Play A Christmas Song na galing sa first Christmas album niya na Cher Christmas.
Pasok ito sa No. 3 spot ng Dance/Electronic Digital Song Sales chart ng Billboard. Ito ang third single ni Cher na nag-hit sa naturang chart after Believe and Strong Enough noong 1998.
Isang 13-track album ang Cher Christmas kunsaan ka-duet ng 77-year-old music icon sina Stevie Wonder, Cyndi Lauper, Michael Bublé, Tyga, and Darlene Love sa featured holiday songs.
Dedicated ang first Christmas album ni Cher sa kanyang ina na si Georgina Holt na pumanaw last year sa edad na 96.