Billy, malungkot na bumiyahe pa-America

Billy
STAR / File

Coleen at anak, ‘di kasama

Naramdaman ko ang kalungkutan ni Billy Joe Crawford nang nagpost siya sa social media habang nasa NAIA papuntang sa Texas sa USA.

Kailangan daw niyang pumunta agad doon dahil hindi na yata maganda ang kalagayan ng ama. Basta sabi niya sa akin ay he is going to visit his dad and say goodbye. Malungkot din siya na hindi niya maisasama ang mag-ina niya dahil pareho raw may sakit. Kaya sobrang lungkot ang nararam­daman ni Billy habang bumibiyahe pa-America. Pero excited na raw ang dad niya at ang mommy niya na si Mommy Mayette na makita siya.

Kaya sabi namin kay Billy at nag-message na rin kami kay Mommy Mayette ng aming pagdarasal para sa pamilya niya. Ang sagot lang sa akin ni Billy ay “God is a God of miracles.”

Show comments