Aktor nangenge sa party, pinilit gisingin ng young actor

Nalasing daw ang isang kilalang male personality sa isang event na kanyang dinaluhan.

Dahil sa kalasingan, nakatulog siya sa mesa na ang mukha ay nakasubsob sa ibabaw ng mesa. Dinadaan-daanan lang daw siya ng mga tao sa event nang matapos ito.

Pero isang young actor ang nakakita sa male star. Pinilit niyang gisingin ito lalo na’t nakilala niya si male star.

Eh dahil ayaw magising, humingi si young male star ng tubig sa waiter at pinainom niya ito. Ibinangon ni male star ang ulo at inaninag kung sino ang nagpainom ng tubig sa kanya.

Palibahasa, ngenge sa alak, hindi niya namukhaan si young actor. Saka umidlip uli.

Pero sa nakakita sa ginawa ng young actor sa male star, hinangaan ang kabaitan niya sa ginawa sa male star. Kahit sikat si young actor, nananatili pa rin siyang mabait sa kapwa!

Pura, nagdusa sa pambabastos sa ama namin

Magsilbing aral sana sa mga drag artist ang nangyari kay Pura Luka Vega.

Ayon sa reports, inaresto si Pura sa kanyang bahay sa Sta. Cruz. Kaugnay ito nang inihain sa kanyang warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa paglabas sa ilang artikulo sa Revised Penal Code dahil sa ginawa niyang version ng Ama Namin.

Alamin ng limitations at boundaries sa pagiging drag artist. Hindi porke isa kang drag artist ay lisensiyado ka na nang gawin ang gusto mo.

Halos lahat ay nasa social media na kaya mag-ingat sa ginagawa at gagawin dahil baka bigla kang sumikat sa hindi magandang paraan!

Show comments