^

Pang Movies

Donita Nose, nasagad kay Tekla!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Donita Nose, nasagad kay Tekla!
Donita Nose
STAR/ File

Hindi itinanggi ni Donita Nose na dumating sa punto na sinukuan na niya ang pagkakaibigan nila ni Tekla.

‘Di naman lingid sa kaalaman ng marami ang tungkol dito dahil napag-usapan nila ito sa vlog nila. “Kinausap ko ‘yon actually, nasa vlog namin ‘yon. ‘Yung umiyak na talaga ako. Sobrang wala, desperado na ako na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya,” kuwento ni Donita.

Sumuko na raw talaga siya sa punto na ‘yon at siyam na buwan daw silang hindi nag-usap.

Naayos naman daw nilang magkaibigan ang kanilang misunderstanding dahil hangga’t kaya raw niyang tumulong ay ginagawa niya pero kung nasagad na raw siya sa tao ay talagang bibitaw na siya.

“Okay naman na kami. Siya kasi medyo ‘yung utak talaga noon minsan ganoon. Minsan nawawala, nagaganito, nagaganyan,” dagdag pa ni Donita.

Gumagawa rin naman daw ng daan si Tekla para magkabati sila kaya naaayos din nila ang problema.

Masasabing suwerte si Tekla sa kaibigan dahil hindi siya nito tuluyang iniwan kahit napagod na ito noon sa kanya. Bongga.

Pinky, ‘di humihinto sa pagtulong

Gusto kong batiin si Pinky Tobiano.

Talagang wala siyang hinto sa pagtulong sa mga may kailangan lalo na sa students. Imagine mo na nagbibigay siya ng cash at laptop sa deserving students.

Kaya naman siguro wala ring hinto ang pagdating ng blessings kay Pinky dahil na rin sa sincere niyang pagbibigay tulong sa marami. Nakakatuwa na meron pa ring mga ganitong tao dahil talaga namang marami pa rin ang mga may kailangan sa tulong nilang ibinibigay.

Iyon ngang Home for the Aged kay Pinky natin narating dahil isa rin siya sa major sponsor nito. Talagang parang isang Santa si Pinky Tobiano dahil sa kanyang kabaitan. Ang laki ng tulong niya sa charity works na sinasalihan niya.

Kaya proud kami na we belong to her circle of friends dahil imagine mo we can see personally ‘yung mga ginagawa niya. So proud of you, Pinky Tobiano, salute.

vuukle comment

TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with