David, kinumpara sa mga namayapang action star!

David
STAR/ File

Kung hindi ko lang kaibigan si Jak Roberto, isa na ako magpu-push na maging totoo ang relasyon nina Barbie Forteza at David Licauco. Kinikilig pa rin ako sa tambalan ng dalawa.

Ang galing magpanggap ni Barbie sa love­team nila ni David.

Nasaksihan ko ito sa preskon ng Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan ng dalawa na magsisimulang umere bukas, Lunes, Sept. 11, kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa trailer pa lang ay kinikilabutan kami sa ganda. Sa ilang pagtatambal nina Barbie at David ay naging kampante na sila.

Gamay na gamay nila at isa’t isa. Pero pinagdiinan nina Barbie at David na alam nila ang boundaries ng bawat isa pagdating sa pribadong buhay.

Malaki rin ang improvement ni David sa acting at ito ay ipinagmamalaki ni Gov. ER Ejercito at Jeric Raval na mga beteranong action stars.

Ipinagmalaki nila na next Rudy Fernandez at Ace Vergel daw si David.

Natawa nga ako sa comment ni Gorgy Rula na kung bakit daw sa mga patay ikinukumpara si David at hindi raw sa buhay gaya nina Sen. Bong Revilla or Sen. Robin Padilla.

Oo nga naman. Kaloka.

Kasama rin sa serye si Faith da Silva na umaarangkada na rin ang career.  Grateful si Faith na mapasama sa project. Napapanood din siya sa TikToClock araw-araw bilang isa sa mga host.

Show comments