Yasmien, mahirap ang pinagdaraanan

Yasmien

MANILA, Philippines — Napanood namin ang trailer ng The Missing Husband na magsisimula nang umere sa Afternoon Prime ng GMA sa Lunes, Aug. 28, after Magandang Dilag.

Astig ang mga eksena at bigay na bigay ang arte ng mga bidang artista.

 ‘Yun pala nakakarelate sila sa story dahil halos lahat ay nakaranas ng scam.

Marami ang naloko ng mga scammer na tinatalakay sa story ng The Missing Husband.

Halos lahat ay may kuwento ng naging experience nila sa scammers tulad ni Rocco Nacino.

Natuwa naman si Yasmien Kurdi bilang lead star ng The Missing Husband with Rocco as her leading man. Bukod diyan ay kasama rin nila sa teleserye si Nadine Samonte na kasabayan niya sa StarStruck Season 1.

At noon kahit magkaibigan sila ay iniintriga sila para magkaroon ng rivalry pero dedma lang sila at hindi nasira ang pagkakaibigan.

Bukod diyan ay may pinagdaraanan si Yasmien sa pamilya niya. Kasalukuyang may karamdaman ang ina na nailabas na raw nila sa ospital at sa bahay na muna niya ito inaalagaan para ma-monitor niya habang nagpapagamot.

Siyempre alalay rin siya sa anak na si Ayesha na malaki na rin naman.

Wish lang niya na makapagtapos ng pag-aaral si Ayesha.

Mabuti na lang at mabait at may malaking pang-unawa ang asawa ni Yasmien na lagi niyang karamay sa mga pagsubok.      

Show comments